WOW

Wednesday, May 21, 2014

BARKADAHAN SA TULONG NG TEAM BREAD TAMBAYAN UMARANGKADA SA BRIGADA ESKWELA 2014

SORSOGON CITY - Kasabay ng pagharurot ng BRIGADA ESKWELA 2014 sa buong pilipinas sa lahat ng mga pampublikong paaralan,  sabay ding umarangkada ang grupo ng Wow Smile Radio sa pamamagitan ng pangunahin nitong katuwang na BARKADAHAN ORGAZATION, sa pakikipag tulungan din ng Team Bread Tambayan  nito lamang lunes na siyang unang anang araw ng brigada eskwela./ 

Ang unang nabiyayaan ng libreng serbisyo ng Barkadahan ay  ang  Sorsogon East Central School na pinangungunahan ng principal nito na si Mam Ma. Teresa Dreu./ “ Sa lahat ng gustong tumulong, mas maganda po kung mga pang disaster at pang emergency ang inyong ibigay kase ito po ang tema ng brigade ngayon” – Ma. Teresa Dreu./ 

Higit naman sa inaasahan ang ipinakitang suporta ng BARKADAHAN Organization dahilan sa halos doble sa napag usapang pwersa ang dumating./ Kaninang Umaga araw ng Miyerkules ay nasa Libtong Elem School sa bayan ng Castilla ang grupo ng barkadahan sa pangunguna ni Ate Mabel Garcia ang Secretary at Siya ring board member ng grupo./ “Sobrang busy ngayon ang barkadahan kase napakaraming damu” – Ate Mabel./ Labis ding ikinatuwa ng principal ng libtong elem school ang nasabing brigade “ Sobra po kaming nagpapasalamat dahil sa first time in the history may stake holder na tumulong sa aming brigada” Ms. Tan – Principal./  



Samantala, sa Byernes sa Pangpang Elem School dito sa lungsod at sa San Roque Elem School sa Bacon District ang distinasyon ng barkadahan at sa May 30 naman ay sa Bugtong Elem. School sa bayan ng Barcelona./ Nagpaabot naman ng labis na pasasalamat ang principal ng Sorsogon East Central School sa wow smile Radio./ Malaking tulong naman ang nai ambag ng mga pinturang ipinagkaloob ng Sirit Construction Supply, Cumadcad Enterprises at Provincial Admin. Bobet Lee.//

1 comment: