April 8, 2014 : CASTILLA - Binugbog at
pinilit lang umano ng mga pulis sa Castilla MPS ang suspect sa panggagahasa sa
2 taong gulang na bata ng Brgy. Amumunting, Castilla Sorsogon./
Ito ang
ipinahayag ng suspetsadong kinilalang si Archie kung kaya ito napilitang umamin na sya ang may
kagagawan ng panghahalay sa nasabing bata./
Taliwas ito sa kanyang naging
pahayag sa wow smile radio kung saan tahasan nitong inamin ang pangmomolestya
sa biktima./
Matatandaan na mismong ang suspetsado ang nagpahayag noon sa Wow
Smile Radio na hindi siya pinilit ninoman sa kanyang pa gamin sa nasabing
krimin./
Subalit sa pagkakataong ito baliktad na ang kanyang nagging pahayag, Ayon pa sa suspect, pinilit lamang umano sya
ng mga pulis na aminin ang krimen. /
Samantala, patuloy pa ring ginagamot ang
bata sa isang ospital sa Legazpi kung saan labis itong naapektuhan sa nasabing
krimen.//
Written by: Wow Patrol # 5 Angelie Bandoquillo