WOW

Monday, April 7, 2014

Lalaki patay, matapos itong magbigti sa puno ng langka

April 8, 2014 : SORSOGON CITY - Patay ang isang lalaki matapos itong magbigti sa puno ng langka kagabi sa brgy. san Lorenzo kagabi dahil umano sa pagibig./ 

Kinilala ang biktima na si  Darwin Delgado 33 taong gulang  residente ng  brgy.  Lorenzo. /  

Sa panayam ng wow smile radio sa asawa ng biktima sinabi nito na nagpaalam lang ang biktima na magpapastol ng kanilang alagang kalabaw ngunit hindi na ito bumalik. / 

Nagulantang nalang ang asawa nito ng kaninang alas 5 ng umaga ay madiskubre nitong wala ng buhay ang biktima habang nakabitin sa puno ng langka./sa impormasyon Napag alaman na mayroon itong kabit na natuklasan lang ng asawa sa celpone na ginagamit ng biktima./

Maayos naman umano itong na resolba ng mag-asawa sa kasunduang aalis na sa kanyang pinagta trabahuan si Darwin./ Naiwan ni Lorenzo ang dalawang maliliit pa na mga anak./ 

Samantala,  inaalam pa ng pulisya kung may foul play sa panibagong kaso na naman ng pagpapakamatay./

Written by: Wow Patrol # 1   Bonn Laureta Habal

No comments:

Post a Comment