WOW

Monday, April 7, 2014

Suspek sa panggagahasa sa 2 taonggulang na bata sa Castilla, pinilit lang na umamin?

April 8, 2014 : CASTILLA - Binugbog at pinilit lang umano ng mga pulis sa Castilla MPS ang suspect sa panggagahasa sa 2 taong gulang na bata ng Brgy. Amumunting, Castilla Sorsogon./

Ito ang ipinahayag ng suspetsadong kinilalang si Archie kung  kaya ito napilitang umamin na sya ang may kagagawan ng panghahalay sa nasabing bata./ 

Taliwas ito sa kanyang naging pahayag sa wow smile radio kung saan tahasan nitong inamin ang pangmomolestya sa biktima./ 

Matatandaan na mismong ang suspetsado ang nagpahayag noon sa Wow Smile Radio na hindi siya pinilit ninoman sa kanyang pa gamin sa nasabing krimin./ 

Subalit sa pagkakataong ito baliktad na ang kanyang nagging pahayag,  Ayon pa sa suspect, pinilit lamang umano sya ng mga pulis na aminin ang krimen. / 

Samantala, patuloy pa ring ginagamot ang bata sa isang ospital sa Legazpi kung saan labis itong naapektuhan sa nasabing krimen.//

Written by: Wow Patrol # 5  Angelie Bandoquillo

No comments:

Post a Comment