WOW

Monday, April 7, 2014

Kayak sa Sorsogon city baywalk magagamit na

April 8, 2014 : SORSOGON CITY - Matapos ang ginawang clearing ng mga dating informal settlers sa rempyolas, sa ngayon ay Handang handa na ang local na pamahalaan ng lungsod upang lubusan ng pagandahin ang rempyolas o pyer site./ 

Kaugnay nito Mas lalong magiging exciting ang pamamasyal ngayong summer sa sorsogon City baywalk dahilan sa  kasalukuyan ng magagamit  ng mga pupunta rito ang ipinangakong kayak ng city government particular na ni City mayor Sally A. Lee ./ 

Sa ngayon ay mayron ng walong kayak at maari na itong gamitin anumang oras. //

Written by : Wow Patrol # 5 Angelie Bandoquillo

No comments:

Post a Comment