WOW

Tuesday, July 19, 2016

Live sa 107.3 WOW SMILE RADIO ang programa ng Dep.Ed For questions you may text us at 09302231429. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

Friday, July 15, 2016

64 NA SORSOGANON KASAMA SA 589 NA MGA BAGONG POLICE RECRUITS NA NANUMPA

64 na sorsoganon ang napasama sa 589 na mga bagong police recruits na nanumpa noong isang linggo sa Parade Grounds ng Camp Simeon Ola sa lungsod ng Legazpi. Isinagawa ang oath taking ceremony sa pangunguna ng bagong Acting Regional Director PCSupt Melvin Ramon Buenafe. Ang mga bagong recruits ay magiging karagdagang puwersa sa Police Regional Office 5 partikularmente karagdagang puwersa sa Police Public Safety Company (PPSC) matapos ang kanilang isang taong field training. Sa 589 na recruits, 414 dito ay mga lalaki at 152 ang mga babae, samantalang ang may mga medical courses ay 15 ang lalake at 8 ang babae. Samantala, sa 589 Ang Albay ay nakapag-tala ng 196 na bagong appointed na PO1 on temporary status; ang Camarines Norte ay mayroong 61; Camarines Sur, 144; Catanduanes, 39; Masbate, 53; Naga, 26, 6 na galing sa ibang rehiyon at dito sa sorsogon ay 64 naman. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

PHO IKINABAHALA ANG PAGLOBO NG NAMAMATAY SA AIDS SA PILIPINA

Nababahala sa ngayon ang PHO – Provincial health office sa iniulat ng Department of Health (DoH) na nakapagtala ito ng 52 katao na nasawi dahil sa sakit na human immunodeficiency virus (HIV) nitong Mayo 2016 lamang. Batay sa May 2016 report ng HIV AIDS and Art Registry of the Philippines (HARP) ng DOH-Epidemiology Bureau, ang naturang bilang ng mga namamatay ay kabilang sa 739 bagong HIV cases na nai-report sa kanilang tanggapan sa nasabing buwan. Nabatid na kabilang sa mga nasawi ay 29 katao na nagkaka-edad ng 25-34, 12 katao ang kabilang sa 35-49 age group habang ang 10 iba pa ay mula naman sa mga pasyenteng may edad na 15-24. Limampu (50) sa nasabing HIV deaths ay mga lalaki at dalawa naman ang babae. Ang bilang ng mga nasawi nitong Mayo ay mas mataas kumpara sa 32 HIV deaths na naitala noong Abril, 2016. Sa 739 bagong kaso ng HIV patients, 96% o 708 ang mga lalaki, at ang median age ay 28 taong gulang lamang. Mahigit kalahati ng mga biktima ay kabilang sa 25-34 age group at 27% naman ang mga kabataan o nasa edad 15-24 taong gulang lamang. Ayon sa DOH, 687 sa mga bagong biktima ay nahawahan ng sakit dahil sa pakikipagtalik, 50 ang nagka-HIV dahil sa pakikigamit ng karayom sa paggamit ng illegal na droga habang dalawa naman ang nahawa ng sakit sa kanilang ina, o yaong mother-to-child transmission. Ikinababahala naman ng DOH ang natuklasan na siyam sa newly-diagnosed HIV patients ay pawang buntis, kung saan lima sa kanila ay nasa edad 15 hanggang 24-anyos lamang. Anim sa mga naturang buntis na may HIV ay mula sa NCR, dalawa ang mula sa Cebu City at isa ang mula sa Iloilo. Sa kabilang dako pinag iingat ng DOH ang publiko sa mga posibling mahawahan nito sapagkat ayon sa kanilang record kalat na kalat na ito sa boung bansa. Samantala kung matatandaan MAY record narin ang lalawigan ng sorsogon na may mga biktima narin sa SOrsogon na biktima ng HIV / AIDS. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

SURPRISE DRUG TEST ISINAGAWA SA MGA EMPLEYADO NG DONSOL LGU

Kaugnay sa isinagawang mandatory drug test sa mga empleyado ng provincial capitol Nagkaroon din ng surprise drug test para sa mga empleyado ng donsol LGU. Layunin umano nito ay upang matulungan ang kampanya laban sa illegal na druga. Kahapon isinagawa ang naturang surprise drug test kasabay ng general assembly na pinamumunuan ni Mayor Josephine A. Alcantara-Cruz. Ang nasabing drug test ay inorganisa ng PNP donsol na pinangunahan ni PCINSP JOEL CARDEL TRIÑANES kasama din ang PNP sorsogon crime laboratory na pinamumunuan naman ni PCINSP JOSEPHINE C CLEMEN. Mahigit sa 300 na empleyado ng LGU ang sumailalim sa drug test, samantala ang sino mang empleyado na mag positibo sa drug test ay sasailalim sa rehabilatasyon at nakasisiguro namang makakabalik sa trabaho pakatapos ma rehab. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

MGA SUMUKONG DRUG PUSHER AT USER SA LALAWIGAN NG SORSOGON UMABOT NA SA 1,403

Patuloy sa paglobo ang bilang ng mga sumukong drug user at drug pusher sa lalawigan ng sorsogon, sinabi ni Pulis Provincial Director Ronaldo Cabral umabot na sa 1,403 na ang nairekord ng kanilang tanggapan mag mula ng ipatupad ang kampanya laban sa droga, ayon kay cabral nananawagan parin sila sa mga mamayan na sumuko na ang mga taong gumagamit ng illegal na droga, aniya bukas na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga taong sangkot sa droga at handa rin silang tulongan sa pag babagong buhay ang mga ito. Kanya paring sinabi na ang mga nasa listahan na ayaw parin sumuko ay kanilang bibisitahin sa kani-kanilang tahanan upang imbitahin sa kanilang panawagan, subalit mahigpit parin ang tagubilin ng opisyal na huwag umanong manlaban upang maiwasan ang madugong pangyayare. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

SPADACC PROGRAM NG SORSOGON KINILALA BILANG EPEKTIBONG PROGRAMA LABAN SA DRUGA SA BUONG BIKOL

Kinilala bilang isang pinaka epektibong programa sa buong rehiyon ang Sorsogon Provincial Anti-Drug Abuse, Crime and Corruption Council o SPADACC na isang programa sa probinsya ng sorsogon na ang layunin ay paigtingin ang kampanya laban sa druga ng sa gayon ay masugpo na ito. Binigyang parangal ang nasabing programa sa ginanap na Regional Consultative Forum na inorganisa ng National Police Commission sa La Roca Hotel, Legazpi City, dinaluhan naman ito nina Mr. Edgar Balasta mga LGU’s, PNP, Philippine Army, BJNP, Bussiness sector, Judges, Prosecutors, at mga NGO sa buong rehiyon. Sa nasabing aktibidad I prenesenta ni Mr. Balasta ang mga nagawa ng SPADACC at SCADAC sa pag sugpo sa illegal na druga sa probinsya ng sorsogon. Sa report bumaba naman ang crime rate ng lalawigan ng sorsogon na 17% kumpara noong nakaraang 2015. Samantala magbibigay naman ng mga programa ang gobyerno upang magbigay ng assistant sa mga sumukong drug personalities para sa pagpapatuloy ng kanilang pagbabagong buhay. Dinaluhan din ang nasambit na forum nina Mayor Sally A. Lee, Judge Rofebar Gerona, Fiscal Gina Gabito, Pssupt Ronald Cabral at ng kanyang admin team, former SSC Pres. Dr. Antonio Fuentes, Political Affairs Consultant Joevic, Duran, BJNP warden, NAPOLCOM Officer Atty. Louie E Toldanes , Capt. Clint Antipala of 903rd Infantry "Patriot" Brigade bilang representante ng probinsya ng sorsogon. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

2ND QUARTER PYAP REGIONAL MEETING 2016, NAGBIGAY INSPIRASYON SA MGA KABATAANG TAGA LUNGSOD

Inspirado sa ngayon ang mga kabataang sorsoganon sa lungsod matapos mangyari ang 2nd quarter PYAP regional meeting 2016 kahapon. Ang nasabing aktibidad sa sorsogon city function hall kung saan dagsa ang mga kabataang nagsidalo. Personal namang nagsalita sa nasabing programa si Ms. Christine Lee- Rodrigueza City Executive assistant bilang kinatawan ni Mayor Sally Lee. Sa kanyang pahayag binigyang diin nito na masaya umano ang alklade sa ipinapakitang entusyasmo ng mga kabataan ngayon. Dagdag pa ni Christine na madami ang magagawa ng mga kabataan para sa pagpapaunlad ng syudad ng sorsogon. Idinagdag pa ni Cristine na nakikita naman umano nya ang mga sakripisyong ginagawa ng mga kabataan dito sa sorsogon upang gumanda ang kanilang mga buhay. Dinagdag pa nito na patuloy nilang susuportahan ang mga kabataan sa syudad sa lahat ng mga aktibidad na kanilang gagawin. Samantala masaya naman na nagtapos ang aktibidad at nagpasalamat ang mga kabataang dumalo kay Christine lee at sa alkalde ng syudad na si mayor lee dahil sa suportang ibinibigay sakanila at pagbibigay importansya at prayoridad sa mga kabataan sa sorsogon. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

GOBERNOR BOBET LEE RODRIGUEZA, PINANGUNAHAN ANG MANDATORY DRUG TEST SA LAHAT NG EMPLEYADO NG KAPITOLYO

Nasorpresa ang lahat ng mga empleyado ng kapitolyo sa isinagawang mandatory drug test noong nakaraang byernes. Sa tulong ni PNP Provincial Director Ronald Cabral at ng SPADACCC Task Force ay sumailalim sa ‘di inaasahang Mandatory Drug Test ang mga kawani ng sorsogon provincial capitol. Pinangunahan naman ang naturang drug test ng gobernador ng probinsya na si Governor Bobet Lee Rodrigueza. Ang naturang drug test ay kaugnay sa pagpaapatuloy ng kampanya laban sa illegal na droga sa probinsya. Matatandaan na nagpalabas ng ordinansa ang gobernador ng probinsya na kung saan pinagtitibay nito ang muling pagbuo at pagpalawak sa kakayahan ng Sorsogon Provincial Anti-Drug, Criminality and Corruption Council (SPADACCC) laban sa krimen, katiwalian at droga dito sa ating probinsya. Samantala malaki naman ang pasasalamat ng nag organisa ng mandatory drug test sa gobernador at sa lahat ng kawani ng capitol dahil sa matiwasay na natapos ang nasambit na durg test. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

PRIDE NG PRIETO DIAZ PASOK SA BLIND AUDITION NG THE VOICE KIDS

Isang sorsoganon naman ang nagpakitang gilas sa pag awit sa the voice kids blind audition noong nakaraang sabado. Ipinakita ni Angel Detecio Penaflor ang kanyang galing sa pag awit ng starting over again. Ang batang si angel ay residente ng Brgy. Rizal prieto diaz na ngayon ay nag aaral sa manila. Pinahanga ni angel ang dalawang coach ng the voice kids na sina Sharon cuneta at lea salonga na nag paabot naman ng kanilang paghanga sa galing ng pag awit ng sorsoganon. Pinili naman ng bulilit na mang aawit ang broadway diva na si lea salonga bilang kanyang coach. Samantala nagpaabot naman ng pagbati ang gobernador ng probinsya na si governor bobet lee rodrigueza sa pamilya ni angel. Sa ngayon hangad naman ng sorsoganon at ng mga kababayan nito ang kanyang tagumpay. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

GOVERNOR BOBET LEE RODRIGUEZA PERSONAL NA PINUNTAHAN ANG DALAWANG BRGY SA MATNOG NA NAAPEKTUHAN NG OIL SPILL

Personal na pinuntahan ni Governor Bobet Lee Rodrigueza ang mga brgy sa bayan ng matnog na naapektuhan ng minor oil spill noong isang araw. Kaugnay nito siya mismo ang personal na nakasaksi sa maagap na pagtugon ng local na pamahalaan ng matnog para sa agarang pagkakatangal ng mga langis na kumalat sa may porsyon ng tablac at camatchili. Bukod sa Matnog LGU nag bayanihan ang mga residente ng dalawang barangay na nag resulta sa mabilisang pagkatanggal ng langis. Bilang pabuya, namahagi ng 30 sakong bigas si Gov. bobet sa lahat ng mga na apektuhan partikular na ang tumulong sa paglilinis. Siniguro naman ng Philippine Coast Guard – PCG Matnog na ligtas na ang nasabing lugar dahilan sa ibabaw lang naman ng dagat ang naapektuhan. Matatandaan na ang karagatan ang siyang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga residente malapit dito. Samantala nakipag usap naman si Governor bobet sa PCG matnog upang alamin ang update sa isinasagawang imbestigasyon upang malaman kung sino ang responsable sa naturang insedente. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

DAYCARE WORKERS SA SYUDAD NAGKAROON NG MONTHLY MEETING SA CITY FUNCTION HALL

Inspirado sa ngayon ang mga tagapagturo sa mga day care workers dito sa lungsod dahilan sa mismong si Congress woman nanay Edi Escudero at Mayor Sally A, Lee ang humarap sa kanila sa katatapos lang na monthly meeting. Bukod kay Mayor Lee, dumalo din ang anak ni Mayor Lee na si Christine Lee- Rodrigueza kung saan isinagawa ito sa city function hall. Pinag usapan sa pagtitipon ang mga kailangan sa pagtuturo ng mga daycare workers at kung ano mga programang ibibigay para dito. Nagbigay naman ng mensahe si nanay evi na patuloy na gawin ang kanilang responsabilidad ng tapat. Dagdag naman ng alkalde ng syudad na si mayor lee na wag magdalawang isip na lumapit sakanilang mga opisina sa kung ano man ang kanilang kailangaan upang matulungan sila. Samantala, umaasa si Mayor Lee na mas magpupursiging lalo ang mga day care workers sa lungsod dahil muli na naman silang nakarinig ng mga inspirational messages sa katatapos lang na meeting. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

H.E.L.E.N PROGRAM SA BULAN MULING AARANGKADA

Sa pagbabalik ng dating alkalde ng bulan na si Mayor Helen C. De Castro ay inaasahan na ng mga taga bulan na ibabalik nito ang kanyang programang Health Environment Livelihood Education at Nutrition o HELEN sa kanyang pamamahala. Ayon sa mga residenti ng bulan masaya sila sa pagbabalik ni Mayor De Castro dahil sa kakaiba nitong pamumuno sa bayan ng bulan kung saan binibigyang prayoridad ang lahat. Ibabalik na rin ng alkalde ang fiesta sa kabubudlan kung saan ang dating dumpsite ay kanyang ginawang ecopark na pinagtataniman ng mga puno. Madami ding mga kabataan ang umaasang mabibigyan ng alkalde ng scholarship educational assistance at marami pang iba. Ayon kay Mayor De Castro na asahan ang tapat at magandang serbisyo na kanyang ibibigay. Dagdag pa ng alkalde na madaming proyekto ang kanilang pinag paplanuhan at pinag aaralan na ibibigay sa mga bulanenyo. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon