WOW

Friday, July 15, 2016

SURPRISE DRUG TEST ISINAGAWA SA MGA EMPLEYADO NG DONSOL LGU

Kaugnay sa isinagawang mandatory drug test sa mga empleyado ng provincial capitol Nagkaroon din ng surprise drug test para sa mga empleyado ng donsol LGU. Layunin umano nito ay upang matulungan ang kampanya laban sa illegal na druga. Kahapon isinagawa ang naturang surprise drug test kasabay ng general assembly na pinamumunuan ni Mayor Josephine A. Alcantara-Cruz. Ang nasabing drug test ay inorganisa ng PNP donsol na pinangunahan ni PCINSP JOEL CARDEL TRI√ĎANES kasama din ang PNP sorsogon crime laboratory na pinamumunuan naman ni PCINSP JOSEPHINE C CLEMEN. Mahigit sa 300 na empleyado ng LGU ang sumailalim sa drug test, samantala ang sino mang empleyado na mag positibo sa drug test ay sasailalim sa rehabilatasyon at nakasisiguro namang makakabalik sa trabaho pakatapos ma rehab. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment