WOW

Friday, July 15, 2016

GOBERNOR BOBET LEE RODRIGUEZA, PINANGUNAHAN ANG MANDATORY DRUG TEST SA LAHAT NG EMPLEYADO NG KAPITOLYO

Nasorpresa ang lahat ng mga empleyado ng kapitolyo sa isinagawang mandatory drug test noong nakaraang byernes. Sa tulong ni PNP Provincial Director Ronald Cabral at ng SPADACCC Task Force ay sumailalim sa ‘di inaasahang Mandatory Drug Test ang mga kawani ng sorsogon provincial capitol. Pinangunahan naman ang naturang drug test ng gobernador ng probinsya na si Governor Bobet Lee Rodrigueza. Ang naturang drug test ay kaugnay sa pagpaapatuloy ng kampanya laban sa illegal na droga sa probinsya. Matatandaan na nagpalabas ng ordinansa ang gobernador ng probinsya na kung saan pinagtitibay nito ang muling pagbuo at pagpalawak sa kakayahan ng Sorsogon Provincial Anti-Drug, Criminality and Corruption Council (SPADACCC) laban sa krimen, katiwalian at droga dito sa ating probinsya. Samantala malaki naman ang pasasalamat ng nag organisa ng mandatory drug test sa gobernador at sa lahat ng kawani ng capitol dahil sa matiwasay na natapos ang nasambit na durg test. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment