Friday, July 15, 2016
PHO IKINABAHALA ANG PAGLOBO NG NAMAMATAY SA AIDS SA PILIPINA
Nababahala sa ngayon ang PHO – Provincial health office sa iniulat ng Department of Health (DoH) na nakapagtala ito ng 52 katao na nasawi dahil sa sakit na human immunodeficiency virus (HIV) nitong Mayo 2016 lamang. Batay sa May 2016 report ng HIV AIDS and Art Registry of the Philippines (HARP) ng DOH-Epidemiology Bureau, ang naturang bilang ng mga namamatay ay kabilang sa 739 bagong HIV cases na nai-report sa kanilang tanggapan sa nasabing buwan. Nabatid na kabilang sa mga nasawi ay 29 katao na nagkaka-edad ng 25-34, 12 katao ang kabilang sa 35-49 age group habang ang 10 iba pa ay mula naman sa mga pasyenteng may edad na 15-24. Limampu (50) sa nasabing HIV deaths ay mga lalaki at dalawa naman ang babae. Ang bilang ng mga nasawi nitong Mayo ay mas mataas kumpara sa 32 HIV deaths na naitala noong Abril, 2016. Sa 739 bagong kaso ng HIV patients, 96% o 708 ang mga lalaki, at ang median age ay 28 taong gulang lamang. Mahigit kalahati ng mga biktima ay kabilang sa 25-34 age group at 27% naman ang mga kabataan o nasa edad 15-24 taong gulang lamang. Ayon sa DOH, 687 sa mga bagong biktima ay nahawahan ng sakit dahil sa pakikipagtalik, 50 ang nagka-HIV dahil sa pakikigamit ng karayom sa paggamit ng illegal na droga habang dalawa naman ang nahawa ng sakit sa kanilang ina, o yaong mother-to-child transmission. Ikinababahala naman ng DOH ang natuklasan na siyam sa newly-diagnosed HIV patients ay pawang buntis, kung saan lima sa kanila ay nasa edad 15 hanggang 24-anyos lamang. Anim sa mga naturang buntis na may HIV ay mula sa NCR, dalawa ang mula sa Cebu City at isa ang mula sa Iloilo. Sa kabilang dako pinag iingat ng DOH ang publiko sa mga posibling mahawahan nito sapagkat ayon sa kanilang record kalat na kalat na ito sa boung bansa. Samantala kung matatandaan MAY record narin ang lalawigan ng sorsogon na may mga biktima narin sa SOrsogon na biktima ng HIV / AIDS.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment