WOW

Friday, July 15, 2016

SPADACC PROGRAM NG SORSOGON KINILALA BILANG EPEKTIBONG PROGRAMA LABAN SA DRUGA SA BUONG BIKOL

Kinilala bilang isang pinaka epektibong programa sa buong rehiyon ang Sorsogon Provincial Anti-Drug Abuse, Crime and Corruption Council o SPADACC na isang programa sa probinsya ng sorsogon na ang layunin ay paigtingin ang kampanya laban sa druga ng sa gayon ay masugpo na ito. Binigyang parangal ang nasabing programa sa ginanap na Regional Consultative Forum na inorganisa ng National Police Commission sa La Roca Hotel, Legazpi City, dinaluhan naman ito nina Mr. Edgar Balasta mga LGU’s, PNP, Philippine Army, BJNP, Bussiness sector, Judges, Prosecutors, at mga NGO sa buong rehiyon. Sa nasabing aktibidad I prenesenta ni Mr. Balasta ang mga nagawa ng SPADACC at SCADAC sa pag sugpo sa illegal na druga sa probinsya ng sorsogon. Sa report bumaba naman ang crime rate ng lalawigan ng sorsogon na 17% kumpara noong nakaraang 2015. Samantala magbibigay naman ng mga programa ang gobyerno upang magbigay ng assistant sa mga sumukong drug personalities para sa pagpapatuloy ng kanilang pagbabagong buhay. Dinaluhan din ang nasambit na forum nina Mayor Sally A. Lee, Judge Rofebar Gerona, Fiscal Gina Gabito, Pssupt Ronald Cabral at ng kanyang admin team, former SSC Pres. Dr. Antonio Fuentes, Political Affairs Consultant Joevic, Duran, BJNP warden, NAPOLCOM Officer Atty. Louie E Toldanes , Capt. Clint Antipala of 903rd Infantry "Patriot" Brigade bilang representante ng probinsya ng sorsogon. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment