WOW

Monday, May 30, 2016

PRESUMPTIVE MUN. COUNCILOR NORVIE FORTE LABIS NA IPINAGPASALAMAT ANG PAGTUGON NG WOW SA BRIGADA ESKWELA 2016

Tuwa at pagpapasalamat ang tanging nasambit ni San Rafael brgy. Captain at ngayoy presumptive mun. councilor ng Sta. Magdalena na si Norvie Forte sa ginawang suporta ng 107.3WOW SMILE RADIO, WOW Matnog at Barkadahan sa brigada eskwela 2016 na ginawa sa Brgy. San Rafel sa bayan ng Sta. Magdalena. Ayon sa kaniya ito ang kaunaunahang brigada eskwela na nagkaroon ng motorcade sa kanilang lugar. Labis-labis ang saya ni fortes maging ng mga lumahok sa nasabing aktibidad, si kapitan ay na halal din bilang municipal councilor sa bayan ng santa Magdalena .kkaugnay nito nag bigay naman ng pasasalamat ang school principal ng san Rafael elementary school na si Edwin Erhina sa lahat ng nakilahok sa programa. Dagdag pa ni Erhina malaki ang naitulong ng mga brgy. Officials, wow smile radio family at iba pang mga organisasyon upang maging matagumpay ang nasabing aktibidad. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

DTI DISKWENTO KARAVAN 2016”Balik Eskwela Edition” SA BAYAN NG BULAN.

Ngayon na ang huling araw ng DTI Sorsogon Deskwento caravan sa bayan ng bulan. Ayon kay DTI provincial Director Ms. Leah Pagao bahagi ito sa kanilang programa na pagbibigay ng tulong sa mga sorsoganon. Matatandaan na kahapon ito nagbukas sa bayan ng bulan kung saan ngayong araw petsa 30 ito magtatapos. Kaugnay nito sinabi ni pagao na pwede paring humabol ang lahat ng gustong magkaroon ng deskwento sa knilang mga school supplies na bibilihin upang lubos na mapakinabangan ang serbisyong dulot nito, dahilan sa mas mababa ang presyo ng bawat bilihin sa diskwento caravan ng DTI ngayon pasukan lalong lalo na ang mga school supplies, basic necessities, prime commodities at iba pa. Ang programa ay itinaun sa pagdirawang ng “ padaraw festival” sa kapistahan ng bayan upang ang lahat ay manginabang sa murang halaga ng ng bawat produkto at upang di umano’y makatulong sa mga magulang at mga batang mahihirap. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

Dep.Ed ASSISTANT SCHOOLS DIVISION SUPERINTENDENT JENNY T. POSTRADO NANAWAGAN SA PUBLIKO

Nananawagan si DepEd Assistant Schools Division Superintendent Jenny T. Postrado sa publiko at sa mga magulang na ipa enroll na ang kanilang mga anak para sa darating na pasukan, bagamat ng nakaraang enero lamang ay sinimulan na ang pagpapatala sa mga mag aaral ng grade 7 ay kanya paring inaanyayahan ang mga magulang na papag aralin ang kanilang mga anak. Kanya ring nilinaw na walang mangyayaring koleksyon o ano mang bayarin ang pag papaenrol, anya isumbong sa kanila ang sino mang lalabag sa kautusang ito, kanya ring binigyang diin na bawal tanggihan ang sino mang mag aaral na lilipat galing sa ibang paaralan kahit wala itong ano mang dalang credentials bagkos imbitahan itong magpatala upang maipagpatuloy ang pag aaral nito, ngunit kanya paring sinabi na ang bawat magulang ay kailangan ding asikasuhin ang obligasyon sa kanilang mga anak at makiisa sa mga programa ng Department of Education. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

PAGOL BEACH AND PAGURIRAN SA BACON PANGALAWA SA PINAKA MAGANDANG BEACH SA BUONG PILIPINAS – WWW.ARCHIPELAGO.COM.PH

Muling nagpakitang gilas ang lalawigan ng sorsogon matapos na mapili ng web sitew na http://www.archipelago.com.ph./ na pangalawa sa listahan sa kanilang inererekomendang dapat pasyalan sa buong pilipinas ang Pagol Beach and Paguriran sa bacon district sorsogn city. Sa artikulong Experts' top 10 favorite beaches in the Philippines pangalawa nga ang sorsogon kung saan una sa listahan ang Bamboo Beach, Kawayan Cove, Nasugbu, Batangas, pangatlo ang Amanpulo, Pamalican Island, Palawan pang apat ang ABCD Beach, Calicoan Island, Guiuan, Eastern Samar, ikalima ang Puntod Island sandbar, Panglao, Bohol, ika anim ang Long Beach, San Vicente Beach, Palawan. Pang pito ay ang Urbiztondo Beach, San Juan, La Union. Samantala humabol sa pang walo ang El Nido, Miniloc Island beach, Palawan, pang siyam ang Coron beaches, Palawan at nasa pang sampo sa pinakamagagandang beach resort sa buong pilipinas ay ang Siargao Island, Surigao Del Norte. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

Friday, May 27, 2016

WOW SMILE RADIO AT SAN RAFAEL ELEMENTARY SCHOOL JOINT FORCE PARA SA BRIGADA ESKWELA SA LUNES SA BAYAN NG STA. MAGDALENA

Joint force sa ngayon ang San Rafael E/S sa byan ng Sta Magdalena at ang pamunuan ng wow smile radio para sa brigada eskwela 2016 na may temang “Tayo Para sa Paaralang Ligtas, Maayos at Handa Mula Kindergarten Hanggang Senior High School”. Matatandaan na tatlong taon na itong ginagawa ng wow smile radio kung saan noong nakaraang taon ang mga bayan ng bulusan at Barcelona ang siyang tinulungan ng wow radio katuwang ang barkadahan organization. Sa lunes kasado na ang barkadahan sa bayan ng sta magdalina kung saan pangungunahan ito ng wow radio matnog kasama ang wow radio sorsogon city. Bukod sa paglilinis at pag rerepair mag do donate din ng pintura at bigas ang wow radio sa san Rafael e/s na siyang magiging resipyente ng brigada 2016 ng wow radio. Samantala, sa ngayon pa lamang nagpapa abot na ng pasasalamat ang mga guro at mga magulang ng naturang eskwelahan. Ang brigada eskwela ay tinatawag ding the National Schools Maintenance na pasisimulan sa May 30 hanggang sa June 4, 2016. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

CDRRMO TUTOK SA BLS BASIC LIFE SUPPORT TRAINING

Tutok narin sa ngayon ang City Disater Risk Reduction Management Office o CDDRMO sa pagsasagawa ng BLS – Basic life support traning sa buong lungsod. Matatandaan na ito ang pangunahing proyekto ng CDRRMO na pinapangunahan ni Mr. Ramil Doods MArianito. Ayon kay marianito importante na matutunan ng lahat ng mga tao ang kahalagahan ng BLSmaski na ang mga ordinaryong citizen ay dapat matuto nito. Kung matatandaan isang nakapag aral ang BLS ang may Natulungan ang isang lalaking na aksedente sa Sitio gabao, San Roque Bacon Sorsogon City. Kung saan hindi pinagagalaw ang biktima ng isang nag trained sa BLS upang hindi lumalala ang sitwasyon, well trained sa BLS ang nasabing tumulong at dati rin itong empleyado ng provincial engineering office. Samantala, bukod sa BLS ibat ibang aktibidad pa ang ginagawa ng CDRRMO para mabigyan ng tamang impormasyon ang mga taga lungsod. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

SORSOGON PAPANGUNAHAN NG LABINGTATLONG KABABAIHAN - COMELEC

13 kababaihan ang siyang uugit ng local na pamahalaan sa katatapos lang na election. Base ito sa resulta na ipinalabas ng commission on election – Sorsogon. Nagpapakita umano ito na bukas na ang kaisipan ng mga sorsoganon na handa na ang kababaihan ng sorsogon para sa paghawak ng maseselang pwesto sa lalawigan. Sa datus kasi kasama sa listahan si ang mga neophytes na sina Atty. Joan Elizabeth M. Lorenzano (LP) mula sa Castilla; Sharon Rose G. Escoto (LP) sa bayan ng Gubat; at Carolyn C. Sy-Reyes (UNA) sa Pilar, Sorsogon at si Claudith M. So (UNA) for Matnog town. Tinalo naman ng mga re eleksyonistang sina incumbent Donsol Mayor Josephine Alcantara-Cruz (NPC) at Sorsogon City Mayor Sally A. Lee (LP) ang kanilang mga naging kalaban. Balik pwesto naman si Helen C. De Castro (Ind) sa bayan ng Bulan. Iba naman ang kaso ni Sorsogon First District Representative Congresswoman Evelina “Nanay Evie” G. Escudero (NPC) dahilan sa walang naglakas loob na lumaban dito . Samantala, para naman sa August Body ng 7TH Provincial Boar pinangunahan ito ni Vice Governor-elect Ma. Ester E. Hamor (Ind). Kasama rin ang apat na myembro ng Provincial Board na sina incumbents, Hon. Rebecca Aquino and Hon. Arze Glipo, at dalawa namang baguhan sa pagka bokal na sina Hon. Marnelie Robles, outgoing Mayor ng Bulan at Hon. Ma. Theresa Fragata, former mayor ng Juban. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

REMPLOYAS AT SORSOGON BAY APEKTADO NA SA MASANGSANG NA AMOY NG STAGNANT WATER DAHIL SA COASTAL ROAD

Apektado na ang Sorsogon bay sa isinagawang construction ng napakagandang proyektong coastal road sa lungsod na magkokonekta mula sa puso ng lungsod patungo sa may abuyog. Sa programang Strictly public service tinalakay nina Mr. Jovic Duran na ang nasabing proyekto ay pinondohan ni Sen. Chiz Escudero kung saan layunin ng mag inang escudero na mabigyan ng magandang serbisyo ang mga taga sorsogon. Subalit kapansin pansin na may mali sa naging desenyo ng nasabing coastal road dahilan sa hindi nakaka agos ang tubig dagat na nakulong ng nasabing coastal road. Epekto nito ay ang patuloy na pagbaho ng nasabing stagnant water na nakaka apekto na sa mga namamasyal sa rempyolas maging ng mga nakatira sa may talisay at kalapit lugar. Ayon pa kay duran maaring mabuhay na naman nito ang mga organism na nag ko – cause ng red tide na halos 3 taon ng hindi nararanasan sa syudad mula ng maupo si Mayor Lee. Samantala, hanggang ngayon hindi pa nagpapalabas ng statement ang contractor ng nasabing coastal road . Nilinaw ni Duran na walang kinalaman ang mag inang escudero sa nasabing problema dahilan sa sila lamang ang nag pondo nito kung saan kanyang binigyang diin na ang kontratista ang may kasalanan dahilan sa mali nitong disenyo. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

Thursday, May 19, 2016

FISH KILL SA PATAG LAKE UMABOT NA SA 3 SAKO

Tatlong sako na ng mga malalaking tilapia ang na fish kill sa isang lawa sa bayan ng irosin. Ayon sa grupong paladapea na isa sa nangangalaga sa Lake Patag, sa brgy. Patag, Irosin, Sorsogon agad nilang inililibing ang mga isdang namamatay sa kanilang lawa para hindi na makapaminsala pa. Sa panayam ng Wow Patrollers kay Ms. Gemma Sidro ng BFAR RF RDC Department ang sobrang init ng panahon ang itinuturong sanhi sa ngyaring fish kill. Anya halos nasa 36 deegress celcius ang temperature ng nasabing lawa dahilan para mamatay ang mga isda dito. Matatandaan na petsa dose pa umano ng mayo ng mapansin ng peladepea group ang unti unting pagkamatay ng mga malalaking isda sa Lake patag. Inireport naman umano ito sa local na pamahalaan ng Irosin pero hindi na aksyunan. Kaugnay nito ang BFAR Sorsogon ang agad na umaksyon sa nasabing problema kung saan nagpadala ito ng personnel sa irosin sorsogon para suriin ang tubig sa patag lake. anya normal naman ang antas ng dissolved oxygen pati na ang Ph level nito at ang transparency. Samantala, patuloy sa ngayong pinag aaralan ng BFAR kung may iba pang lawa dito sa sorsogon ang apektado na ng sobrang init ng panahon. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

APAT NA PAMAMARIL, SUNOD-SUNOD NA NAITALA SA SORSOGON PAGKATAPOS NG ELECTION

Apat na pamamaril ang sunod sunod na naitala dito sa lalawiganng Sorsogon matapos ang May 9 2016 Election. Sa datus na nakalap ng Wow News Team unang naitala ay ang nagyari noong Linggo (May 15) bandang alas 7:30 ng gabi kung saan ang biktima ay nakilalang si ALBERTO ROBSABLE LABE, isang agent ng MIG-5 (Military Intelligence Group) at residente ng Bgy Bibincahan, Sorsogon City kung saan pinagbabaril ito sa may San Juan Roro dito sa lungsod ng Sorsogon gamit ang Cal.45 pistola. Pangalawa ay noong May 16, sa Bgy Sta Teresita (Trese) sa bayan ng Bulan kung saan hindi na umabot sa ospital ang isang JAIME CAMPOSANO FUSANA, 70 taong gulang, may asawa, dating Phil Constabulary (PC) at retiradong security guard nang pagbabarilin ito ng tatlong hindi pa kilalang mga armadong salarin. Sa ulat ng Bulan MPS ang biktima ay naglalakad para mag-igib ng tubig sa public water system nang pagbabarilin ng mga salarin na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay gamit din ang Cal.45 na baril. Pangatlo naman sa listahan ay ang sa Bgy San Antonio, Barcelona kung saan may natagpuang bangkay na kinilalang si RONALD MENDOZA GALOSO aka ‘Pogi’ nakatira sa Bgy Macabari, Barcelona. Ang mga labi ng biktima ay natagpuan sa harapan ng San Antonio Elementary School. M16 rifle naman ang ginamit na gatilyo. Ang panghuli ay ang kahapon kung saan isang LGU-Employee sa bayan ng Donsol ang pinagbabaril sa kanila mismong pamamahay. Ayon sa Donsol Municipal Police Station Ang biktimang ay si Aberoy Gubot y Teguibon, ng Brgy. Tupaz, Donsol, kung saan pinagbabaril ito habang nagpapahinga ito sa kanilang balkonahe. Kalibre 45 na baril din ang ginamit ng mga Salarin. Samantala,.Dahil sa sunod-sunod na pambabaril, naka-alerto ngayon ang pamunuan ng Sorsogon PNP at AFP-Bicol. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

DALAWA SA MGA SUSPEK SA PAGPATAY KY DELOS ANGELES KINASUHAN NA NG MURDER

Tuluyan na ngang isinampa sa City Prosecutors Office ang kaso kontra sa mga menor de edad na responsable sa pananaksak-patay kay Christian De los Angeles, school principal ng Ticol Elementary School dito sa lungsod. Kahapon mga dakong alas nueve ng umaga ng dalhin sa Bulwagan ng Katarungan ang nasabing mga suspetsado para sa inquest proceedings habang nakabantay ang mga tauhan ng Sor. City Police Station at mga magulang ng mga menor de edad na suspetsado. Ayon sa report dalawa lang sa mga suspek ang tuluyanng nasampahan ng kasong murder dahilan sa ito ang itinuturong responsable sa pananaksak sa biktima habang ang ibang akusado ay nadamay lamang at ito na ang nagselbing mga testigo. Matatandaan na bago nangyari ang krimen nagkaroon muna umano ng komprontasyon sa pagitan ng mga suspek at ni De los Angeles na nagresulta sa pananaksak sa biktima na ikinahulog nito sa kanal saka iniwan ng mga suspek. Bukod sa murder nahaharap din ang dalawa sa paglabag sa Omnibus Election Code particular na ang possesion of deadly weapons dahilan sa election time ng magyari ang nasabing krimen. Samantala nasa pangangalaga na ngayon ng City Social Welfare and Development Office ang mga suspek. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

KASO NG TUBERCULOSIS SA SORSOGON PATULOY NA BUMABABA

Kinumpirma ng Provincial Health Office Sorsogon ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga pasyente may sakit na tuberculosis o TB dito sa lalawigan ng Sorsogon. Sa naging pahyag ni PHO - Health Education and Promotion Officer Regina V. Gonzalgo, epektibo kasi ang kanilang isinasagang kampamya para labanan ang nasabing karamdaman kung saan positibo naman ang naging resulta nito. Siniguro pa ni Gonzalgo sa publiko na lalo na ang mga payers of health care ng TB DOTS sa Sorsogon ay kayang kayang magbigay ng ng ligtas at epektibong DOTS services sa mga pasyenteng may sakit na TB. Samantala, hinikayat pa ni Gonzalgo ang kumunidad na palagiang suportahan ang kanilang kampanya para sa ikatutupad ng layunin ng DOH sa dito sa sorsogon n asana dumating ang panahon na hindi na maging problemang pagkalusugan ang TB. Idinagdag pa nito na ang aktibong partisipasyon ng kuminidad ang magiging susi para tuluyan ng matuldukan ang nasabing sakit. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

MAYOR SALLY LEE, PINAPURIHAN ANG CITY POLICE STATION SA PAGTUTOK NITO SA KASO NG NAWAWALANG PRINCIPAL

Pinuri ng opisina ni city mayor Sally Lee ang ginawang hakbang ng mga kapulisan sa pagtutok sa kaso ng nawawalang principal na si Mr. Christian Delos Angeles. Kaugnay nito agad na nag bigay ng official order kay Sorsogon City Police Station – SCPS COP P/SUPT. Dionesio Laceda na magsagawa ng matinding imbestigasyon. Positibo naman ang naging resulta ng nasabing imbistigasyon na nagresulta sa agarang pagkaka aresto sa mga menor de edad na suspek. Samantala, nag paabot naman ng pakikiramay sa pamilya ni Mr. Christian Delos Angeles si Mayor Lee. Inalala rin ng City LCE na si Mayor Sally Lee ang malaking naiambag ni Christian at ang pagpapamalas ng kanyang talento sa mga akibidades ng siyudad. https://www.facebook.com/WOWsorsogon

Wednesday, May 18, 2016

PUBLIC SERVICE and ANNOUNCEMENT

1. Pinapaabot ng Augustinian Sisters ng Augustinian Monastery of St. Rita of Cascia ang selebrasyon ng kanilang patron in honor of St. Rita of Cascia Patron saint of Impossible cases. Kaugnay nito ay magkakaroon sila ng Novena Masses sa mayo 13 hanggang 21. Sa Mayo 22 naman Solemnity of St. Rita of Cascia na sisimulan ng Dawn Procession alas singko ng umaga. Alas syete ng umaga ang Eucharistic celebration 10:30 ng umaga ang solemn celebrated mass at alas kwatro naman ng hapon ang thanksgiving mass. Iniimbitahan ang lahat na makiisa sa selebrasyon ng St. Rita of Cascia- Patron Saint of Impossible Cases sa Cogon Gubat Sorsogon 2.Pinapaabot din ng SSS na maaari ng bisitahin ng mga rehistrado at hindi rehistradong myembro ng sss ang UsapangSSS.ph ito ay site ng SSS upang maibigay ang mga impormasyon sakanilang mga myembro. Mag rehistro lamang ang mga interesadong gumamit bago sumali sa discussion board. Layunin ng microsite nito ang makapag bigay ng impormasyon sa mga karaniwang tanong sa SSS pati narin ang mga popular na paksa tungkol sa SSS katulad ng mga benipisyo, loans at iba pang mga serbisyo Maaari din nilang sundan ang mga pag uusap sa discussion board, mag post ng mga komento sa forum at magpadala ng pribadong mensahe sa forum sa administrator sa mga karagdagang klaripikasyon at katanungan ukol sa SSS.Kaugnay nito ipinapaabot din nila ang kanilang Loan Restructing Program (LRP) na magtatapos na sa April 27 2017. https://www.facebook.com/WOWsorsogon

Department of Trade and Industry (DTI) SEMINAR NAG SIMULA NA NGAYONG ARAW

Nag simula na ngayong araw ang isiganawang seminar ng Department of Trade and Industry (DTI) kasama ang iba’t- ibang manufacturers sa Sorsogon Paradise Resort. Tatalakayin sa seminar ang salient features at standards ng mga produktong may kaugnayan sa mandatory certification katulad ng black iron and galvanized iron pipes, ceramic tiles, electrical wires, electrical devices/switches, flatglass at iba pa. Ang nasambit na seminar ay para maipamulat ang mahalagang tungkulin na kanilang ginagampanan laban sa uncertified and substandard construction materials na ibenebenta at ginagamit sa konstraksyon at iba pang mga proyekto.Kasama rin sa seminar ang mga contractors, LGU engineering office, water districts national housing authority at iba pang mga organisasyon. https://www.facebook.com/WOWsorsogon

MGA OTORIDAD WALA PARING PINAPALABAS NA REPORT SA MOTIBO SA PAGPATAY KAY DELOS ANGELES

Hanggang ngayon ay wala paring pinapalabas na detalye ang mga otoridad na nagsasagawa ng imbistigasyon sa pagpatay ky Christian de los Angeles. Matatandaan na apat na mga menor de edad ang itinuturong suspek sa nasabing pagpatay kung saan Ang nasabing mga suspek ang mismong nagturo sa katawan ni De los Angeles na itinapon sa isang kanal sa Sitio Gabao, San roque Bacon District sa siyudad ng Sorsogon. Samantala, malaking panghihinayang ang nararamdaman sa ngayon ng mga nagmamahal kay Christian lalo na ang Dep Ed na siya nitong pinag tatrabahuan, anya malaki itong kawalan sa kanilang departamento. Sa ngayon humihiyaw parin ng hustisya ang mga kaanak ni Christian. https://www.facebook.com/WOWsorsogon

Tuesday, May 17, 2016

CHRISTIAN DELOS ANGELES, NAHANAP NA

14 araw matapos mawala si Christian Delos Angeles. Bangkay na ito ng matagpuan kagabi kung halos hindi na ito makilala ng kanyang mga kapamilya. Mga dakong alas nueve kagabi pinuntahan na ng mga otoridad ang area ng Sitio Gabao, Brgy. San Roque Bacon Sorsogon, matapos kumanta ang menor de edad na suspetsado. Matatandaan na Mayo 2 ng umalis ito sa kanilang bahay sakay ng kanyang honda wave motorcycle, kulay red and white na may plate number na 5384 ET. Kagabi kinumpirma ng mga otoridad na bangkay nga ni Christian ang natagpuan kaya naman personal itong pinuntahan ng news team at duon na nga tumambad ang bangkay ng isang lalaking halos sunog na dahilan sa nabilad na ito sa araw ng ilang araw at nasa state of advance discomposition na.Sinasabing sinundo ng biktima ang dalawang menor de edad sa may macabog at duon pumunta sa bacon area. Tinatayang nasa 16 to 17 anyos ang dalawang suspetsado na sa ngayon ay patuloy na iniimbistigahan. Samantala, wala ng laman ang bag ng biktima at chop chop na ang motorsiklo na ginawa pang service ng mga suspetsado na siyang naging dahilan sa pagkakahuli sa mga ito. https://www.facebook.com/WOWsorsogon

PAGKAMATAY NI CHRISTIAN DELOS ANGELES HINDI PARIN MATANGAP NG KANYANG MGA KAPAMILYA

Hindi parin makausap hanggang sa ngayon ang mga magulang ni Christian Delos Angles ang Prinsipal sa Ticol Elementary School. Sa pagbisita ng wow patroller sa pamilya Delos Angeles sinabi nito na hindi pa sila pwede magbigay ng pahayag dahilan sa hindi pa nila matangap ang sinapit ng kanilang anak. Anya isang mabuting tao ang kanilang anak na pangunahing tumutulong sa kanilang pang araw araw na buhay. Pinatotoohan naman ito ng kanilang kapitbahay na si Siony Andes na Halos hindi makapaniwala sa ng kanilang kapit bahay, anya napakabait nito at walang kaaway ni Mr. Delos Angeles. Samantala, bumuhos narin ang pakikiramay ng mga tao sa karumal dumal na sinapit ng biktima, maging sa online ay marami narin ang naki dalamhati sa pagmatay ni Christian Delos Angeles. https://www.facebook.com/WOWsorsogon

BRIGADA ESKWELA 2016 SA SORSOGON PREPARADO NA

Preparado na ang Department of Education Dep Ed Province division at Dep ED City Division sa pagpapasimula ng brigada eskwela 2016. Kanina sa programa ng Dep.Ed Province nakakasa na ito sa Mayo 30 hanggang Hunyo 4 kung saan hindi lang ito sa Sorsogon isasagawa kundi maging sa buong pilipinas. Matatandaan na ang brigada eskwela ay isa sa mga aktibidad na ginagawa ng Dep.Ed upang magkaroon ng pagtutulong tulong sa pag aayos ng mga paaralan at mga gamit na kailangan ng mga estudyante. Kaya naman pinapaabot ng nasabing departamento sa lahat ng mga private agencies, mga organisasyon, estudyante, government agencies at iba pa na makiisa sa gaganaping brigada eskwela upang mabigyan ang mga mag- aaral ng komportableng paaralan. Panawagan pa ng Dep.Ed sorsogon na ang pakikilahok sa brigada eskwela ay hindi requirement upang makapag enroll ang estudyante, Voluntary ang paglahok sa nabanggit na aktibidad. Kaugnay nito maaaring ipaabot sa opisina ng Dep.Ed ang sino mang guro na magsasabing required sumali sa brigada eskwela upang maenroll ang bata ito ay para mabigyan ng kaukulang aksyon ng Dep.Ed. Maaari namang magbigay ng mga learners gift katulad ng bag, notebook, crayola at iba pang school supplies na magagamit ng mga estudyante. Samantala, sinisikap ngayon ng Dep.Ed Sorsogon na mapanatili sa ikatlong pagkakataon ang kanilang record na may pinaka magandang programa sa brigade eskwela sa buong Pilipinas. https://www.facebook.com/WOWsorsogon

Monday, May 16, 2016

PADARAW FESTIVAL SA BULAN SORSOGON KASADO NA

Preparado na ang mga bulanenyo para sa nalalapit na padaraw festival na gaganapin sa Mayo 30 2016 sa bulan sorsogon. Matatandaan na ito ang highlights tuwing kapistahan sa bayan ng bulan. Ang padaraw festival ay nagpapakita ng iba't- ibang pinagkakakitaan ng mga bulanenyo mapa dagat man o sakanilang sakahan. Tampok sa padaraw festival ang mga kabataan ng iba't- ibang barangay na nagpaparada sa sentro ng bulan suot ang mga makukulay na kasuotan gamit ang mga recycled materials na napapalamutian ng iba't- ibang produkto ng bulan. Samantala hindi naman apektado ang selebrasyon ng kapistahan sa kabila ng pagkatalo ng kapatid ng incumbent mayor na si Mayor Marnellie Ballesteros Robles na si Marivic Guray Ballesteros. Kaugnay nito puspusan na ang pag eensayo ng nasabing mga kalahok. Sa darating na mayo 29, 30, at 31 ang pagdiriwang ng kapistahan. https://www.facebook.com/WOWsorsogon

Department of Education sa Sorsogon may panawagan na mag enroll na sa senior-hi

On going na sa ngayon ang enrollment para sa senior high school dito sa lungsod ng Sorsogon. Sa programang Barkadahan kaninang umaga nanawagan ang Div Info Officer ng Dep ED sorsogon na si Mr. Arman Dematera Engay na agahan ang pagpapa enroll para malaman kaagad nila kung ano ang mga kurso na kanilang gustong kunin. Ang turn out ng enrollees para sa senior high school kasi ang kanilang magiging basehan para sa kanilang assessment para sa pag hire ng mga magtuturo sa senior high school. Anya sa ngayon ay halos nag average lang sa tatlo hanggang lima ang nag eenroll sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. Samantala lahat naman ng mag eenroll sa private school ay covered ng voucher program. Visit our Facebook page https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

Tricycle at Bus nagsalpukan sa Pangpang Sorsogon

Nasa kustudiya na sa ngayon ng mga otoridad ang driver ng isang bus na bumangga sa isang tricycle sa lungsod ng sorsogon. Matatandaan na noong sabado habang binabaybay ng bus ang maharlika highway ng subukan nitong mag overtake sa isang sasakyan at doon nasapol nito ang naturang tricycle na nag resulta sa pagkakabaklas ng bubungan ng nasabing sasakyan. Kinilala ang driver ng bus na si Balfredo Berrano na may plate number TOC 682 Balfredo Berrano Jr. Samantala ang driver naman ng tricycle ay si Nestor Navales ng Tugos Sorsogon City. Kaugnay nito wala namang naitalang nadamay sa nasabing aksidente. https://www.facebook.com/WOWsorsogon

PAMAMARIL NAITALA NA NAMAN SA SORSOGON

Blanko parin hanggang sa ngayon ang mga otoridad sa sinapit ni Alberto Rosable y Labe na biktima ng pamamaril. Sa inisyal na impormasyon na nakalap ng wow patroler galing umano ng bibincahan si rosable patungo ng San Juan Roro,pagsapit nito sa san juan bigla nalang itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilang mga suspek. Tinamaan sa tiyan ang biktima na kaagad namang dinala sa sordoc hospital. Matatandaan na ang nasambit na biktima ang siyang ni raid noon ng mga utoridad at nakuhanan ng kalibre 45 baril. Sa ngayon ay under investigation parin ang nasabing pamamaril. https://www.facebook.com/WOWsorsogon

Saturday, May 7, 2016

BALITANG ELEKSYON HOTSPOT ANG SORSOGON PINABULAANAN NG COMELEC AT PNP SORSOGON

Pinabulaanan ng Sorsogon Comelec at Sorsogon Philippine National Police (PNP) ang napapaulat na ang lalawigan ng Sorsogon ay nasa “election hotspot./ lumabas kasi sa social media na di umanoy hot spot na ang sorsogon dahilan sa napabalitang nasapak ang isang kandidatong Gobernador./ kaugnay nito nanindigan ang Comelec Sorsogon na nanatiling manageable and peaceful ang Sorsogon lalo na kung ikukumpara sa lalawigan ng Masbate./ Idinagdag naman ng isang COMELEC insider na ang napaulat na harassment ay isolated case”, lamang at ang poll body ay handa namang mag provide ng security para sa mga kandidato lalo na sa mga delikadong lugar../ Samantala, sa ngayon patuloy paring inaalam ng mga otoridad kung sino ang may kagagawan ng di umanoy sinasabing pananapak.// https://www.facebook.com/WOWsorsogon