Friday, May 27, 2016
REMPLOYAS AT SORSOGON BAY APEKTADO NA SA MASANGSANG NA AMOY NG STAGNANT WATER DAHIL SA COASTAL ROAD
Apektado na ang Sorsogon bay sa isinagawang construction ng napakagandang proyektong coastal road sa lungsod na magkokonekta mula sa puso ng lungsod patungo sa may abuyog. Sa programang Strictly public service tinalakay nina Mr. Jovic Duran na ang nasabing proyekto ay pinondohan ni Sen. Chiz Escudero kung saan layunin ng mag inang escudero na mabigyan ng magandang serbisyo ang mga taga sorsogon. Subalit kapansin pansin na may mali sa naging desenyo ng nasabing coastal road dahilan sa hindi nakaka agos ang tubig dagat na nakulong ng nasabing coastal road. Epekto nito ay ang patuloy na pagbaho ng nasabing stagnant water na nakaka apekto na sa mga namamasyal sa rempyolas maging ng mga nakatira sa may talisay at kalapit lugar. Ayon pa kay duran maaring mabuhay na naman nito ang mga organism na nag ko – cause ng red tide na halos 3 taon ng hindi nararanasan sa syudad mula ng maupo si Mayor Lee. Samantala, hanggang ngayon hindi pa nagpapalabas ng statement ang contractor ng nasabing coastal road . Nilinaw ni Duran na walang kinalaman ang mag inang escudero sa nasabing problema dahilan sa sila lamang ang nag pondo nito kung saan kanyang binigyang diin na ang kontratista ang may kasalanan dahilan sa mali nitong disenyo.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment