Thursday, May 19, 2016
FISH KILL SA PATAG LAKE UMABOT NA SA 3 SAKO
Tatlong sako na ng mga malalaking tilapia ang na fish kill sa isang lawa sa bayan ng irosin. Ayon sa grupong paladapea na isa sa nangangalaga sa Lake Patag, sa brgy. Patag, Irosin, Sorsogon agad nilang inililibing ang mga isdang namamatay sa kanilang lawa para hindi na makapaminsala pa. Sa panayam ng Wow Patrollers kay Ms. Gemma Sidro ng BFAR RF RDC Department ang sobrang init ng panahon ang itinuturong sanhi sa ngyaring fish kill. Anya halos nasa 36 deegress celcius ang temperature ng nasabing lawa dahilan para mamatay ang mga isda dito. Matatandaan na petsa dose pa umano ng mayo ng mapansin ng peladepea group ang unti unting pagkamatay ng mga malalaking isda sa Lake patag. Inireport naman umano ito sa local na pamahalaan ng Irosin pero hindi na aksyunan. Kaugnay nito ang BFAR Sorsogon ang agad na umaksyon sa nasabing problema kung saan nagpadala ito ng personnel sa irosin sorsogon para suriin ang tubig sa patag lake. anya normal naman ang antas ng dissolved oxygen pati na ang Ph level nito at ang transparency. Samantala, patuloy sa ngayong pinag aaralan ng BFAR kung may iba pang lawa dito sa sorsogon ang apektado na ng sobrang init ng panahon.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment