Tuesday, May 17, 2016
BRIGADA ESKWELA 2016 SA SORSOGON PREPARADO NA
Preparado na ang Department of Education Dep Ed Province division at Dep ED City Division sa pagpapasimula ng brigada eskwela 2016. Kanina sa programa ng Dep.Ed Province nakakasa na ito sa Mayo 30 hanggang Hunyo 4 kung saan hindi lang ito sa Sorsogon isasagawa kundi maging sa buong pilipinas. Matatandaan na ang brigada eskwela ay isa sa mga aktibidad na ginagawa ng Dep.Ed upang magkaroon ng pagtutulong tulong sa pag aayos ng mga paaralan at mga gamit na kailangan ng mga estudyante. Kaya naman pinapaabot ng nasabing departamento sa lahat ng mga private agencies, mga organisasyon, estudyante, government agencies at iba pa na makiisa sa gaganaping brigada eskwela upang mabigyan ang mga mag- aaral ng komportableng paaralan. Panawagan pa ng Dep.Ed sorsogon na ang pakikilahok sa brigada eskwela ay hindi requirement upang makapag enroll ang estudyante, Voluntary ang paglahok sa nabanggit na aktibidad. Kaugnay nito maaaring ipaabot sa opisina ng Dep.Ed ang sino mang guro na magsasabing required sumali sa brigada eskwela upang maenroll ang bata ito ay para mabigyan ng kaukulang aksyon ng Dep.Ed. Maaari namang magbigay ng mga learners gift katulad ng bag, notebook, crayola at iba pang school supplies na magagamit ng mga estudyante. Samantala, sinisikap ngayon ng Dep.Ed Sorsogon na mapanatili sa ikatlong pagkakataon ang kanilang record na may pinaka magandang programa sa brigade eskwela sa buong Pilipinas.
https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment