WOW

Tuesday, October 28, 2014

VP BINAY PERSONAL NA NAGPAPASALAMAT SA PAMAMAGITAN NG SULAT SA PAMUNUAN NG WOW SMILE RADIO

Makalipas ang halos dalawang buwan, personal na nagpaabot ng pasasalamat ang bise president ng pilipinas na si Jejomar Binay sa pamamagitan ng sulat sa pamunuan ng wow smile radio at kay sir Doods Marianito./ 

Matatandaan na petsa katorse  ng agosto ng bisitahin ni Binay ang Sorsogon at tanging ang himpilang ito ang binisita ni Binay kung saan na nagresulta sa pagkakaroon ng matinding galit ng isang bokal ditto sa lalawigan na pinalalabas na diumanoy sila talaga ang sadya ni binay./ 

Subalit ang sulat na pinadala ng bise president ang mismong nagpapasinungaling sa nasabing pahayag ng bokal./ sa sulat na pinadala ni binay sinabi nito na labis labis ang kanyang pasasalamat sa himpilan ng wow at kay sir doods marianito dahilan sa mahusay itong katrabaho./ 

“It was a pleasure working with you and I hope that you will continue to support our advocacy of bringing the government’s housing program closer to the people.” /. 

Sa kabilang dako, tanging ang wow smile radio ang tanging himpilan ng radio sa sorsogon na mapapasama sa mga taga bicol  ang mapapasama sa panel of observers sa nalalapit na debate ni binay at trillanes nanakakasa sa November 10./  

Samanta, ang himpilang ito ay naninindigan na hindi magsasalita ng anupaman hanggat walang dokumento.//

280 CITY SCHOLARS NATANGGAP NA ANG ALLOWANCE

Muli na naming Nagbigay ng allowance ang local na pamahalaan ng lungsod sa  280 scholars ng lungsod./ 

Matatandaan na nakaugalian ni Mayor Lee ang matulungan ang mga estudyanteng ito dahilan sa kanyang paniniwala na ang kabataan ang siyang pag asa ng bayan./ pinangunahan ni Bgy. Affairs & Public Assistance Section (BAPAS) Head miss Beth Alindogan ang nasabing pamimigay kung saan Ang mga nasabing scholars ay nakatanggap ng tig iisang libong allowance para sa buwan ng oktubre. /

Kaugnay nito, labis labis ang pasasalamat ng mga estudyante kasama ng kanilang mga magulang sa butihing mayor ng lungsod ng sorsogon./ 

Samantala, nakatanggap din ang mga estudyante ng Alternative Learning System (ALS) ng limang libong piso bilang kanilang educational assistance ngayong semester./ /

SORSOGANON, PASOK SA TOP 10 SA KATATAPOS LANG NA LET EXAMINATION

Isang malaking karangalan sa lalawigan ang binitbit ni Patrick Daclan Nicolas na isang estudyante ng Sorsogon State College ng masungkit nito ang pang sampong karangalan sa katatapos palang na LET Exam./ 

Sa impormasyon na nakalap ng wow smile smile radio labis itong ipinagmalaki ng president ng SSC na si  Dr. Modesto Detera dahilan sa karangalang dinala nito sa probinsya./ 

Sa kabilang dako hindi lang ang mga estudyante ng SSC ang nakapasa sa nasabing eksaminasyon kundi pati narin ang ilang mga eskwelahan ditto sa lalawigan./ Samantala, kasama sa mga eskwelahan na lagaps sa kanilang inaasahan ang pumasa ay ang RGCC sa bulan, SLMS at iba pang mga eskwelahan sa lalawigan.// 

INFORMATION AND EDUC CAMPAIGN ON RABIES AWARENESS NG VCO NAGPAPATULOY

Patuloy parin sa ngayon ang inilunsad na information and education campaign (I.E.C) on rabies awareness ng City Veterenary Office (CVO) ng local na pamahalaan ng sorsogon city./ 

Ayon kay Dr. Alexander Destura na siyang nangangasiwa ng  CVO ang nasabing kampanya kontra rabis ay napaka importante kung saan ito ay dinaluhan ng mga may alagang aso ./ 

Kaugnay nito hanggang sa ngayon ay nag iimbita ang CVO sa  mga dog owner na dalhin sa sa ahensya ang kanilang mga alagang aso  para mabakunahan kung saan nagpasimula ito noong nakaraang  mayo pa./  

Samantala, personal naman nilang pinupuntahan ang bawat kabahayan na hindi makapunta sa ahensya na may valid na rason para mabakunahan ang kanilang alagang hayop.//

Monday, October 27, 2014

MAYOR LEE AT CENRO TUTOK NGAYON SA PROBLEMANG KINASASANGKUTAN NG PPPC O BUKUHAN

Maigting parin sa ngayon na pinag aaralan ng Lokal na pamahalaan ng Sorsogon ang operasyon ng Peter Paul Phil Corp o PPPC sorsogon kaugnay ng ibat-ibang reklamo na namang ibanabato sa naturang kumpanya./  

Matatandaan na mahigit isang taon na ng mag reklamo ang humigit kumulang sa 60 na mga magsasaka sa cabid-an na di umanoy ang water waste ng PPPC ang dahilan sa pagkamatay ng mga isdang kanilang hinahango sa karagatan na kanilang pinagkukunan ng hanap buhay./ 

Kaugnay nito Aug 29, 2013 ng ipalabas ni Mayor Lee ang exec. Order # 6 na may layuning bantayan ang nasabing kumpanya kung saan sumunod naman ang PPPC subalit sa ngayon ay muli na namang binubuhay dahilan sa mga bagong reklamong natatanggap./ 

Sa kabilang dako isa rin ang Divine Healer Academy of Sorsogon (DHAS) na pag-aari ng Sister Servants of the Divine Healer (SSDH)  at Poor Claire Monastery sa El Retiro sa Brgy. Cabid-an, Sorsogon City ang Department of Environment & Natural Resources (DENR). Ang kumakalampag sa naturang kumpanya./ 

Samantala, patuloy namang tinututukan ng DENR at ng CERO sa pamumuno ni Mr. Jonjie Gerona ang nasabing reklamo.//

PAMUNUAN NG TRAPIKO, KASADO NA ANG TRAFFIC RE-ROUTING SA NALALAPIT NA UNDAS

Magkakaroon ng Traffic re-routing sa mga kalsadang malalapit sa sementryo ditto sa lungsod sa pag alala ng araw ng mga pataw ngayong darating na week end./ 

Ayon kay Mr. Victorino Bitong Daria City Traffic consultant, preparado na ang kanilang opisina at pinag aralan na nila ang magiging daloy ng trapiko lalo na sa may kahabaan ng Magsaysay st. dahilan sa ditto matatagpuan ang pinakamalaking sementeryo sa lungsod./ 

Ayon pa kay daria na importante ang pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa kanilang traffic scheme para hindi mag resulta ng pagkakabuhol buhol ng trapiko./ Sa kabilang dako, preparado naman ang pamunuan ng PNP sorsogon sa pagbabantay sa nalalapit na undas./ 

Samantala, muling ipina alala ni Daria lalo na sa mga may sasakyan na malalapit lang sa sementeryo na mas makabubuting huwag ng magdala ng sasakyan.//

RESULTA NG ELEKSYON SA SORECO II INILABAS NA

Inilibas na ng Sorsogon II Electric Cooperative (Soreco II) ang resulta ng isinagwang eleksyon nitong nakaraang sabado, oktubre 25 sa limang distrito ng lalawigan ng sorsogon. /

Si Danilo Guarin sa distrito ng donsol ay nakakuha ng 298 votes, si Rommel Ortiz ng pilar ay 360 votes, si Saturnino Carranza ng west district ng sorsogon ay 294 votes, si Aurelio Destacament ng bacon ay 461 votes at nakakuha naman si Dennis Enteria ng Barcelona ng 512 votes. /


Samantala, naging hamon din sa lima ang makakuha ng mahigit 250 votes para madeklarang Board of Director ng kanilang distrito./ / 

PAMUNUAN NG TRAPIKO, KASADO NA ANG TRAFFIC RE-ROUTING SA NALALAPIT NA UNDAS

Magkakaroon ng Traffic re-routing sa mga kalsadang malalapit sa sementryo ditto sa lungsod sa pag alala ng araw ng mga pataw ngayong darating na week end./ 

Ayon kay Mr. Victorino Bitong Daria City Traffic consultant, preparado na ang kanilang opisina at pinag aralan na nila ang magiging daloy ng trapiko lalo na sa may kahabaan ng Magsaysay st. dahilan sa ditto matatagpuan ang pinakamalaking sementeryo sa lungsod./ 

Ayon pa kay daria na importante ang pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa kanilang traffic scheme para hindi mag resulta ng pagkakabuhol buhol ng trapiko./ 

Sa kabilang dako, preparado naman ang pamunuan ng PNP sorsogon sa pagbabantay sa nalalapit na undas./ Samantala, muling ipina alala ni Daria lalo na sa mga may sasakyan na malalapit lang sa sementeryo na mas makabubuting huwag ng magdala ng sasakyan.//

Wednesday, October 22, 2014

PNP SORSOGON NAGBIGAY NG SAFETY TIPS SA NALALAPIT NA UNDAS

Dahilan saw along araw nalang ay aalalahanin na naman ang undas kaya naman nagpalabas na ng Safety Tips ang Phil. National Police – Sorsogon para sa nalalapit na All Souls Day at All Saints Day./ 

Ayon sa Spokes person ng Sorsogon Provincial Police Office na si Major Nonito Marquez, importanteng siguruhin ng kada pamilya lalo na ng mga ama ng tahanan na nakakandado ang mga pintuan at mga bintana ng bahay lalo na kung ang buong pamilya ay pupunta sa mga sementeryo dahilan sa ito umano ang madalas sinasamantala ng mga kawatan./ 

Dagdag pa rito mahalaga rin na  i-unplug ang lahat ng mga electrical appliances upang maiwasan ang pag overheat nito na madalas pinagmumulan ng sunog kasabay narin nito ang pagsasara ng mga tangke ng LPG/ 

Siniguro naman ng mga otoridad ang paglalagay ng mga dagdag na pwersa mga sementeryo katuwang ang mga miembro ng barangay police./ 

Sa kabilang dako, INABISO naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagpalabas na sila ng suggested retail price (SRP) sa presyo ng mga kandila dahilan sa magiging in-demand na naman ang mga kandila./ 

Sinabi ni DTI Consumer Protection Group Undersecretary Atty. Victorio Dimagiba na maraming mga brand ng kandila ang maaaring pagpipilian ng mga consumer na higit aniyang mas mura kaysa sa mga kilalang brand./ 

Samantala,ipinagbabawal parin ang pagsasala ng mga patalim at alak sa loob ng sementeryo.//

MAYOR SALLY LEE NAGBIGAY NG HAMON SA MGA MAMAHAYAG NG SORSOGON KAHAPON

Walk your Talk, ito ang naging hamon kahapon ni Mayor Sally A. Lee sa mga mamamahayag ng Sorsogon sa kanyang pagbisita sa  isinagawang Media AD Congress bilang bahagi ng Kasangayahan 2014./  

Matatandan na ang ibat-ibang sector sa lalawigan ang naging prayoridad ni Sorsogon Gov. Raul R. Lee, kagaya na lamang ng mga kabataan sa laro ng lahi, mga mangingisda, magsasaka at iba pa./ 

Kahapon nga bilang pagbibigay pugay sa mga mamamahayag nangyari na ang pinakaka asam na media AD congress na isinagawa sa sorsogon state college social hall./ Mainit namang sinuportahan ng mga media men sa buong probinsya ang naturang aktibidad./ 

Sa kabilang dako, bahagi rin sa pantomina sa tinampo ang mga mamamahayag na isasagawa bukas sa ganap na alas tres ng hapon at pagdating ng gabi isasagawa naman ang consyerto na pagbibidahan parin ng mga media person sa kasanggayahan village./ Samantala, ang nasbing congress ay binisita din ng mga negosyante.// 

FORMER MAYOR HELEN DECASTRO NG BUBULAN MULING SASALANG SA 2016

Wala ng urungan, ito ang naging pahayag kahapon sa wow patrollers ni Bulan Former Mayor Helen Baby C. Decastro sa kanyang muling pagtakbo./  

Matatandaan na matapos ang unpresidented nitong pagkapanalo sa loob ng tatlong termino, namuhay na ito ng mapayapa bilang ordinaryong mamamayan./ 

Kaugnay nito, ibat-ibang isyu ang lumitaw tungkol sa kanyang pananahimik, at may nagsasabi na tatakbo nalamang umano itong bise alkalde, mayroon naman nagsasabi na makikipag tandem umano ito sa kasalukuyang mayor na si Marneli Ballesteros Robles./ Kahapon nga nilinaw na nito ang ibat-ibang isyu, muli na umano siyang babalik sa kanyang tronong iniwanan./ 

Samantala, labis ang tuwa ng ng mga bulanenyo sa nagging pahayag ni Decastro, dahilan sa matagal na umano nilang hinahanap ang masinop at mahusay na pagpapalakad sa bayan ng bulan.//

ADMIN BOBET LEE RODRIGUEZA, LABIS NA IKINATUWA ANG NAGING PRESENTASYON NG FESTIVAL OF FESTIVAL KAHAPON

"A man who doesn't know his culture is like a tree without roots", Ito ang makahulugang salitang bibitiwan ni Sorsogon Provincial Admin. Robert bobet Lee Rodrigueza Kahapon sa isinagawang Festival of Festivals./ 

Sa naging panayam ng wow patrollers kahapon sinabi nito na sobra siyang nagging Masaya at satisfied siya sa ipinakitang pagtatanghal ng lahat ng mga local na pamahalaan na nakiisa sa nasabing aktibidad./ 

Matatandaan na anim na bayan lang, kasama ang lungsod ng Sorsogon at pang walo ang CBTG o Community base Theater Group./ Dinagdag pa ni Admin bobet tanging ang mga salitang So spectacular, so amazing, so awesome, so colorful ang pwede umano niyang I- komento sa naturang palabas./ 

Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si Admin Bobet sa mga  Local Chief Executive at Tourism Officers ng  Pilar, Donsol, Magallanes, Pto. Diaz, Bulusan, Irosin at Sorsogon City sa ginawang pakikiisa sa kasanggayahan festivital of Festival kahit na nga dinaanan ang Sorsogon ng matinding pag hagupit ni Glenda.//

Tuesday, October 21, 2014

BRGY CAMBULAGA, DINAYO NI MAYOR LEE PARA SA LIBRING MASS WEDDING

Mahigit sa isang dosenang pares ang ikinasal ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee sa isinagawang  civil mass wedding sa  Brgy. Cambulaga, West Dist. Sorsogon City./ Si Sorsogon Prov'l Admin Robert Bobet Lee Rodrigueza ang naging Ninong ng Bayan kung saan nagbigay din ito ng inspirational message sa mga ikinasal./ 

Mismong ang alkalde ang nag officiate ng  wedding ceremonies na isinagawa kahapon petsa  21 ng oktubre./ Matatandaan na ang mga ganitong aktibidad ay buong buo ang suporta ni Mayor Lee dahilan sa kanyang pagpapahalaga sa pamilya./ 

Matatandaan na mula ng umupo ito noong 2001 ito na ang isa sa kanyang binibigyan ng atensyon./ Samantala, labis-labis naman ang nagging pasasalamat ng mga nabiyayaan ng libring kasal kahapon.//

BAYAN NG PILAR NAGPASIKLAB SA KANILANG PARAU FESTIVAL KAHAPON

Nagpasiklab ang bayan ng Pilar sa kanilang world class presentation ng  'Parau Festival'. Pilar./ Sa kanilang nagging presentation kanilang idinisplay at ipi-nortray ang  kasaysayan ng kanilang bayan sa pamamagitan ng  Parau Festival sa  Kasangayahan Festival of Festivals./ 

Kaugnay nito nagpahayag si Provincial Administrator Robert Bobet Lee Rodrigueza  na sobra siyang natutuwa dahilan sa full cooperation ng lahat ng mga LGU's na nagtanghal kung saan ibinigay nila ang kanilang the best hindi dahil sa premyo kundi ibig lang nilang ipakita ang kanilang kultura./ 

Matatandaan na hindi na itinuloy ang competition dahilan sa halos kalahati lng ng mga LGU’s sa lalawigan ang nakasama dahiln sa pag hagupit ni Glenda./ isa pa sa binigyang diin ni Admin Bobet na ang katatapos palang na festival of festivals kahapon ay ang showcase ng kanilang  rich and vast history of culture sa kanilang mga kanya-kanyang lugar./ 

Dinagdag pa ni admin bobet na ang lahat ng nakiisa ay binigyan nila ng seed money para makatulong din sa kanilang mga programa ng local na pamahalaan./ Samantala, inaasahan na sa daratng taon ay makasama na ang lahat ng  mga bayan.//

MAGALLONES FESTIVAL NG BAYAN NG MAGALLANES, ITINANGHAL SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON SA KASANGGAYAHAN FESTIVAL

Sa kauna-unahang pagkakataon itinanghal ang bagong-bagong festival ng bayan ng Magallanes kahapon na tinaguriang Magallones Festival./ 

Sa naging panayam ng Wow Patrollers kay Mr. Joel Carrascal, festivity na ito ay bagong bago lamang nabuo kung saan una itong itinaghal sa kapistahan ng magallanes noong nakaraang Hulyo./ 

Dinagdag pa ni Carrascal na ang salitang ma ay hango sa mga katagang Maganda, mahusay at ibang mga positibong salitang naglalarawan sa magallanes at ang gallones naman ay ang Gallon bilang pag alala sa gallon ng mga espanyol na dumaong sa karagtan ng magallanes kung kaya duon nagkaroon ng kauna-unahang misa sa Luzon./ 

Mainit namang sinuportahan ni Hon. Tito Ragrario, Mayor ng Magallanes, lalo na ang mga  contingent nito./

Samantala, sa culminating day ng kasanggayahan sa bayan mismo ng magallanes particular sa Gibalon shrine sa brgy. Siuton magkakaroon ng Pilgrimage kung saan magkakaroon dinng Dramatization ng first mass in Luzon na mag uumpisa sa SSC magalles campus patungo sa Gibalon shrine.// 

Wednesday, October 15, 2014

RIDING IN TANDEM SUSPEK SA PAGPATAY SA BAYAN NG P.DIAZ

Blanko parin hanggang sa ngayon ang mga otoridad sa panibago na namang kaso ng pamamaril sa ikalawang distrito sa lalawigan ng Sorsogon./ 

Matatandaan na naiulat kahapon lamang ang isang kaso ng pamamaslang sa bayan ng Prieto Diaz./ Kinilala ang biktima na diumanoy empleyado sa provincial tourism na si Allan Figueras, taga-panganiban gubat sorsogon, 38 anyos./ 

Ayon sa mga nakakita, ang nasabing biktima ay may hinatid lamang na isang titser sa nasabing bayan, ngunit hindi pa man nakakarating, may nakaabang nang riding in tandem./ 

Kung maalala  noon lamang nakaraang oktubre 11 ay isang jinky Estrada ang napaslang din sa bayan ng Gubat. / Sa magkahiwalay na pamamaslang,  parehong narikober ang mga basyo ng bala ng isang kalibre 45 at m16 rifle. / 

Samanata,  puspusan ang imbestigasyon ng municipal police station (MPS) ng bayan ng gubat at pto. Diaz dahil sa sunod-sunod na shooting incedent.//

100% ESKWELAHAN LUMAHOK SA 2014 CITY DIVISION SELECTION MEET

Naging matagumpay ang naisagawang City Division Selection Meet na inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd)./ 

Pinangunahan ni City Schools Division Superintendent Dr. Socorro V. Dela Rosa katuwang ang local na gobyerno ng lungsod sa pangunguna naman ni City Mayor Sally A. Lee. / Isinagawa ang nasabing aktibidad sa Balogo Sports Complex, Brgy. Balogo Sorsogon City. / 

Sinabi ni Selection Meet Coordinator Rico P. Estur, layunin ng nasabing Selection Meet na mapili o matipon ang lahat ng mga atleta sa iba’t-ibang eskwelahan pribado at pampubliko sa 3 distrito ng lungsod./ 

Sa kabilang banda, labis-labis ang pasasalamat ni Estur, School Supervisors at lahat ng taong nag-organisa ng nasabing katibidad kay City Mayor Sally A. Lee dahil sa inabot nitong dagdag pondo at personal na pagbisita nito sa nasabing selection meet.//

MGA PARTISIPANTES SA KASANGGAYAHAN PUSPUSAN NA ANG PAG EENSAYO

Handang handa na ang mga Sorsoganon para sa nalalapit na selebrasyon ng Kasanggayahan ngayong taon./ Isa sa mga inaabang abangan ng mga manunuod ay an Pantomina sa Tinampo na gagawin sa ikawalong araw ng selebrasyon sa darating na Oktubre 24./ 

Ibat-ibat sector ang makikiisa sa nasabing katutubong sayaw ng mga bicolano kung saan Isa sa mga kasali dito ay ang reporters and anchors ng WOW smile radio. /Kaya naman walang puknat ang kanilang ginagawang pagsasanay kasama ang mga myembro ng media personality ditto sa lalawigan./ 

Sa kabilang banda, kahit na nga busy sa pag eensayo ang mga staff ng himpilang ito maririnig parin sa ere ng wow ang blow by blow information ng kasanggayahan 2014. / 

Samantala ang ruta ng pantomina sa tinampo ay mula sa Magsaysay St. hanggang Capitol Park.//

Tuesday, October 14, 2014

3 KALABAW AT 7 BABOY, SUMAILALIM SA INSIMINASYON

Matagumpay ang naging artificial insemination sa tatlong kalabaw at pitong baboy dito sa lungsod ng Sorsogon./ ayon sa City Veterenary Office (CVO) ang rason ng nasabing operasyon ay upang mapaganda ang lahi ng mga kalabaw, baboy at iba pang lahi ng mga hayop dito sa lungsod ng Sorsogon./ 

Kaugnay nito Puspusan ang pamimigay ng mga bitamina para sa mga may alagang hayop ng bawat kabahayan ng  (CVO) ./ Sinabi ni CVO Head, Dr. Alexander Destura na nagsagawa din sila ng deworming, paagbibigay ng gamut sa may mga sakit na hayop at ang tuloy-tuloy na monitoring o animal desease surveillance and monitoring para matukoy ang mga may sakit na hayop./ 

Sa kabilang dako, mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 3 ang nasabing programa ng CVO./ Samantala, Ang nasabing monitoring inilunsad para mapigilan o agad na malaman ang posibleng pagkalat ng bird flu, cholera at foot and mouth desease para sa mga baboy, kalabaw at baka. //

PRESSCON RE: KASANGGAYAHAN, NAGING MATAGUMPAY

Naging matagumpay ang isinagawang press conference kahapon sa Action Center ng sa kapitolyo ditto sa lalawigan ng Sorsogon./ 

Isa sa mga tinalakay ay kung papano lalo pa mapapasulong ang turismo dito sa lalawigan ng Sorsogon./ matatandaan na mas pinapili ng pamahalaan na mapaganda ang pagdiriwang na ito sa mababang halaga./ 

Kaugnay nito ipinanukala sa nasabing press con na  magkaroon ng isang o event sa bawat munisipyo para maisulong ang turismo nang hindi gagastos ng malaki./ 

Sa kabilang dako, may nagbigay din ng suhistyon na magkaroon ng isang photography event para sa mga baguhan at propesyonal na photographer ng  ditto sa Sorsogon  para maglibot at isulong ang magagandang lugar o tourist spot sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan./ Samantala, nagging produktibo naman ang nagging talakayan kahapon sa naturang press con.//

REGULAR SESSION NG CITY COUNCIL NAPURNADA KAHAPON

Napurnada kahapon ang Nakatakda sanang joint session ng mga city councilors ditto sa lungsod ng Sorsogon./ 

Matatandaan na tuwing Martes ng haponnakatakda ang nasabing sesyon subalit sa hindi malamang kadahilanan matapos ang roll call biglang kinansela ang nasabing sesyon./ 

Kasama sanang tatalakayin kahapon ang ang  Brgy. Resolution ng Brgy. Bogña sa distrito ng Bacon ang tungkol sa Brgy. Solid Waste Management Ordinance, mga kahilingan para sa realignment ng pondo at iba pang mahahalagang bagay na kailangang talakayin kahapon./ 

Sa kabilang dako, tumaas ang kilay ng mga nagsidalo sa nasabing sesyon dahilan sa wala naman ipinaliwanag na dahilan./ Samantala, Inaasahang matutuloy na ang lingguhang sesyon sa susunod na Martes //

Monday, October 13, 2014

MAHIGIT KALAHATING MILYONG PISO NAIPAGKALOOB NA NI GOV LEE SA LIMANG LGU SA ALBAY

Ipinagkaloob na kahapon ang tulong pinansyal ng local na pamahalaan ng probinsya ng Sorsogon sa limang local na pamahalaan sa lalawigan ng alabay ng apektado ng pag alburoto ng mayon Volcano./ 

Matatandaan na hindi na nagpatumpik tumpik pa si Gov. Raul R. Lee na maghatid ng tulong pinansyal sa probinsya ng albay ng mahigit kalahating milyon piso./ 

150K sa local na pamahalaan ng Daraga, at 100K naman ang ibinigay sa mga bayan ng Sto. Domingo, Malilipot, Camalig at Guinobatan./ 

Sa kabilang dako, nagging saksi naman ditto si  Sorsogon provincial administrator Robert bobet lee rodrigueza./ Samantala, bukod sa tulong pinansyal, namahagi rin ng portable water filters sa mga evacuation centers.//

KASANGGAYAHAN FESTIVAL 2014 HAHARUROT NA

Wala ng makakapigil pa sa pag harurot ng kasanggayahan festival 2014 kung saan siksik na mga aktibidad ang matutunghayan ng mga sorsoganon./ 

Kaugnay nito preparado na ang lalawigan sa pag arangkada nito sa darating na byernes petsa 17 ng oktubre./ Bilang paghahanda nakakasa narin mamayang hapon ang press conference upang mas lalong maintindihan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga media practitioner ang kahalagahan at paghahanda sa nalalapit na kasanggayahan./ 

Sa kabilang dako, malaki rin ang magiging ambag ng mga mamamahayag ditto sa lalawigan dahilan san aka atang sa kanila ang pangangasiwa sa kasanggayahan village, kung saan masasaksihan din ditto ang ibat-ibang palabas na pangunguna ng mga media practitioner sa probinsya./ 

Samantala, ang dating artista at ngayoy negosyante ng si  Aya Medel ay sasaksihan din ang pagbubukas ng kasanggayahan festival sa byernes, matapos nitong bumisita sa ika Siama Hotel Anniversary sa oktubre 16.//

Farmier Field School inilunsad para sa Magsasaka ng gulay

39 na mga magsasaka ang napagkaloobang makapag aral ng mga makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng gulay ditto sa lungsod./ 

Pinangunahan ng  City Agricultural Office (CAO) ang pagsasanay para sa mga nagtatanim ng na isinasagawa tuwing myerkules sa City Nursery na matatagpuan sa Brgy. Binbincahan, Srosogon City./ 

Sa datos ng CAO, ang 39 mga manggugulay o vegetable farmers na sumailalim sa nasabing pagsasanay ay may Layuning  mapataas ang bilang ng produksyon ng gulay bilang pangunahing kabuhayan ng mga manggugulay./ 

Samantala, patuloy naman ang pamamahagi ng CAO ng iba’t-ibang seedlings o punla sa iba’t-ibang lugar para sa mga interesadong magtanim.//

PNP BLANKO PARIN SA KASO NG PANIBAGONG PAMAMASLANG SA GUBAT

Kaugnay sa panibagong pamamaslang na naman na naitala sa bayan ng Gubat pursigido sa ngayon ang pamunuan ng Phil National Police sa Probinsya na matukoy na ang hanggang sa ngayon ay hindi pa makilalang salarin./ 

Matatandaan na Patay sa pamamaril ang biktimang kinilalang si JINKY FEDERIO, ESTRADA, 23 anyos may asawa at nakatira sa Sitio Bongsaran, barangay Rizal Gubat Sorsogon./ 

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na isinagawa ng Gubat MPS, Habang nasa loob ng sari-sari store na pagmamay-ari ng biktima, Ay may dalawa umanong kalalakihan na sakay ng motorseklo ang huminto sa tapat ng nasabing tindahan at bigla nalang umanong pinaulanan ng bala ang biktimang si Jinky./ 

Sa kabilang dako,nakuha naman sa pinangyarihan ng kremin ang labing dalawang basyo ng bala ng M16 RIFLE at dalawang basyo naman ng 45 PISTOL./ Samantala, wala namang nadamay sa nasabing pamamaril maliban sa nasabing biktima.//

Tuesday, October 7, 2014

RESULTA NG AUTOPSY REPORT KAY RODA FORTES, INILABAS NA NG PNP

Nagpositibo sa panghahalay ang biktimang si Teacher Roda Devera Fortes sa inilabas na Otopsy Report sa nasabing bangkay./ 

Ayon sa otopsiya na isinagawa ni Dr. Michelle S. Estolan klarado ang katawan nito sa pagkakahalay “clear evidence blood of penetrating trauma to the hymen, hymen is with deep laceration on the 9o’clock position./ 

Bukod pa ditto, Nakasaad pa sa otopsy Report ang matitinding mga tama sa ulo at sa pribadong parte ng katawan nito na siyang naging sanhi ng naging kamatayan nito./ bagamat malapit ng mabulok ang nasabing bangkay nang ito’y marekober ngunit pansin pa rin ang nakamarkang mga sugat at galos sa buong katawan bukod sa natamong tama sa ulo at sa pribadong parte ng katawan nito./ 

Samantala, sa paghatid kay roda sa huling hantungan sinabayan ang buhos ng ulan ng pagbuhos ng luha ng libo-libung nakidalamhati kay teacher roda.//

ORDINANSA BA O RESULUSYON? PINAGTALUNAN SA SANGGUNIANG PAN LUNGSOD

Naging mainit ang naging pagtalakay kahapon sa sangguniang panglungsod tungkol sa aprubado ng pansamantalang pagsasara ng Magsaysay St. at iba pang pangunahing kalsada dito sa lungsod./ 

Matatandaan na naipasa na ang resolusyon na inihain ni City Councilor Florencio Jamisola para mas maging maganda ang daloy ng trapiko sa darating na kasanggayahan festival./ 

Kahapon bagamat hindi naman pinagtalunan ang pagkakapasa ng nasabing ordinansa, nagkaroon ng mainitang argumento sa pagitan ng propenet nito na si Jamisola at ni City Councilor Atty. Joven laura kung ordinansa ba o resolusyon ang ipapatupad./ 

Sa kabilang dako, agad namang naging mapayapa ang nasabing sesyon./ Samantala, bagamat aprubado na ang resolusyon, pending parin hanggang sa ngayon kung resolusyon ba o ordinansa ang ipapatupad.//