Dahilan saw
along araw nalang ay aalalahanin na naman ang undas kaya naman nagpalabas na ng
Safety Tips ang Phil. National Police – Sorsogon para sa nalalapit na All Souls
Day at All Saints Day./
Ayon sa Spokes person ng Sorsogon Provincial Police
Office na si Major Nonito Marquez, importanteng siguruhin ng kada pamilya lalo
na ng mga ama ng tahanan na nakakandado ang mga pintuan at mga bintana ng bahay
lalo na kung ang buong pamilya ay pupunta sa mga sementeryo dahilan sa ito
umano ang madalas sinasamantala ng mga kawatan./
Dagdag pa rito mahalaga rin na
i-unplug ang lahat ng mga electrical
appliances upang maiwasan ang pag overheat nito na madalas pinagmumulan ng
sunog kasabay narin nito ang pagsasara ng mga tangke ng LPG/
Siniguro naman ng
mga otoridad ang paglalagay ng mga dagdag na pwersa mga sementeryo katuwang ang
mga miembro ng barangay police./
Sa kabilang dako, INABISO naman ng
Department of Trade and Industry (DTI) na nagpalabas na sila ng suggested
retail price (SRP) sa presyo ng mga kandila dahilan sa magiging in-demand na
naman ang mga kandila./
Sinabi ni DTI Consumer Protection Group Undersecretary
Atty. Victorio Dimagiba na maraming mga brand ng kandila ang maaaring
pagpipilian ng mga consumer na higit aniyang mas mura kaysa sa mga kilalang
brand./
Samantala,ipinagbabawal parin ang pagsasala ng mga patalim at alak sa
loob ng sementeryo.//
No comments:
Post a Comment