Maigting
parin sa ngayon na pinag aaralan ng Lokal na pamahalaan ng Sorsogon ang
operasyon ng Peter Paul Phil Corp o PPPC sorsogon kaugnay ng ibat-ibang reklamo
na namang ibanabato sa naturang kumpanya./
Matatandaan na mahigit isang taon na ng mag
reklamo ang humigit kumulang sa 60 na mga magsasaka sa cabid-an na di umanoy
ang water waste ng PPPC ang dahilan sa pagkamatay ng mga isdang kanilang
hinahango sa karagatan na kanilang pinagkukunan ng hanap buhay./
Kaugnay nito
Aug 29, 2013 ng ipalabas ni Mayor Lee ang exec. Order # 6 na may layuning
bantayan ang nasabing kumpanya kung saan sumunod naman ang PPPC subalit sa
ngayon ay muli na namang binubuhay dahilan sa mga bagong reklamong natatanggap./
Sa kabilang dako isa rin ang Divine Healer Academy of Sorsogon (DHAS) na
pag-aari ng Sister Servants of the Divine Healer (SSDH) at Poor Claire Monastery sa El Retiro sa
Brgy. Cabid-an, Sorsogon City ang Department of Environment & Natural
Resources (DENR). Ang kumakalampag sa naturang kumpanya./
Samantala, patuloy
namang tinututukan ng DENR at ng CERO sa pamumuno ni Mr. Jonjie Gerona ang nasabing
reklamo.//
No comments:
Post a Comment