Sa
kauna-unahang pagkakataon itinanghal ang bagong-bagong festival ng bayan ng
Magallanes kahapon na tinaguriang Magallones Festival./
Sa naging panayam ng
Wow Patrollers kay Mr. Joel Carrascal, festivity na ito ay bagong bago lamang
nabuo kung saan una itong itinaghal sa kapistahan ng magallanes noong nakaraang
Hulyo./
Dinagdag pa ni Carrascal na ang salitang ma ay hango sa mga katagang
Maganda, mahusay at ibang mga positibong salitang naglalarawan sa magallanes at
ang gallones naman ay ang Gallon bilang pag alala sa gallon ng mga espanyol na
dumaong sa karagtan ng magallanes kung kaya duon nagkaroon ng kauna-unahang
misa sa Luzon./
Mainit namang sinuportahan ni Hon. Tito Ragrario, Mayor ng
Magallanes, lalo na ang mga contingent
nito./
Samantala, sa culminating day ng kasanggayahan sa bayan mismo ng
magallanes particular sa Gibalon shrine sa brgy. Siuton magkakaroon ng
Pilgrimage kung saan magkakaroon dinng Dramatization ng first mass in Luzon na
mag uumpisa sa SSC magalles campus patungo sa Gibalon shrine.//
No comments:
Post a Comment