Naging
mainit ang naging pagtalakay kahapon sa sangguniang panglungsod tungkol sa aprubado
ng pansamantalang pagsasara ng Magsaysay St. at iba pang pangunahing kalsada dito
sa lungsod./
Matatandaan na naipasa na ang resolusyon na inihain ni City
Councilor Florencio Jamisola para mas maging maganda ang daloy ng trapiko sa
darating na kasanggayahan festival./
Kahapon bagamat hindi naman pinagtalunan
ang pagkakapasa ng nasabing ordinansa, nagkaroon ng mainitang argumento sa
pagitan ng propenet nito na si Jamisola at ni City Councilor Atty. Joven laura kung
ordinansa ba o resolusyon ang ipapatupad./
Sa kabilang dako, agad namang naging
mapayapa ang nasabing sesyon./ Samantala, bagamat aprubado na ang resolusyon,
pending parin hanggang sa ngayon kung resolusyon ba o ordinansa ang
ipapatupad.//
No comments:
Post a Comment