Monday, April 18, 2016
6 NA ESTUDYANTE NG SORSOGON STATE COLLEGE ANG KASABAY SA TOP 10 PASSERS NGAYONG APRIL 2016 REGISTERED MASTER ELECTRICIANS (RME) BOARD EXAM
6 na estudyante ng Sorsogon State College ang kasabay sa top 10 passer ngayong April 2016 Registered Master Electricians (RME) Board Exam ./ Ayon sa Professional Regulation Commission, kasabay sa mga top passer si Jomar Gardon Formanes na nasa pangatlong pwesto nakakuhang passing rate na 90.50%. /Top 4 passer naman sina Donnie Feratero Conda at Jay-ar Cabuang Escauriaga na nakakuha ng 90% ./ Kasabay naman sa top 10 sina Mark Jornar Mondelo Figueras (#6), Romel Mendizabal Janapin (#8) at Antonio Dino Olaybar Jr. (#10) ./ Sa kabilang dako, pinangunahan naman ng Cum Laude ng Bicol University (BU) na may kursong BS Electrical Engineering ang 2016 Master Electrician Licensure Examination. /Ang nag-number one na si Remark Madrigalejos Embate na tubong Imalnod, Legazpi City anak ng magsasaka na nakakuha ng 92.50 percent rating B./ Ayon sa PRC mahigit 1,633 ang nakapasa sa loob ng 2,914 na mga examinees.
https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Thursday, April 14, 2016
"BISHOP BASTES NANINIWALANG PERA NG BAYAN ANG GINAGASTA NI BONGBONG MARCOS SA KANYANG PANGANGAMPANYA
Binatikos ni Sorsogon Catholic Bishop Arturo Bastes na di umanoy ginagamit ni Bongbong Marcos ang pera ng bayan para sa kanyang pangangampanya./ sa isinagawang launching ng kampanya laban sa pagbabalik ng mga Marcoses sa Malacañang matigas ang paninindigan ni Bastes na ang mga ninakaw ng mga marcoses noong panahon ang siyang ginagamit ngayon ni Bongbong marcos para matupad ang kanyang pangarap na muling makabalik sa malakanyang./ kanya pang inilarawan ang mga Marcoses na sinungaling dahilan sa sinasabi umano ni bongbong na wala naman siyang kinalalaman sa mga pinag gagawa ng kanyang ama lalo na noong martial law./ dinagdag pa ni bastes na alam niya ito dahilan sa ng mga panahong yun ay naka destino siya bilang diocesan pastoral coordinator of Surigao kung saan napasama ang pangalan niya sa top three personalities na subject for liquidation SANA noon ng mga militar./ Samantala, binigyang diin ni bastes na dapat papanagutin si Bongbong Marcos sa ginawa noon ng kanyang diktador na ama.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
"AKO BICOL SCHOLARS, SUPORTADO ANG PAGTAKBO NG AKO BICOL PARTY LIST"
Suportado ng ng mga scholars ng Ako Bicol ang muling pagtakbo sa kongreso ng Ako bicol party list./ Matatandaan na ang suportang ibinibigay ng mga naging scholar ng Ako Bicol Partylist ay walang humpay kung saan ang iba ay nagtatrabaho na sa ibang bansa./ Anya konkreto kase at positibo ang pagbabago na dinala ng Ako Bicol sa edukasyon at training program nito sa naging buhay ng mga scholar./ Isa na dito si Joel Armeña, dating scholar ng AKO BICOL na nagtatrabaho na ngayon sa Edmonton, Alberta, Canada ./ Ayon PA kay Armeña, anG tulong na ibinigay sa kanya ng Ako Bicol ng libre ang patunay ng susi sa pagbukas ng oportunidad para makapagtrabaho sa Canada. / Dinagdag pa ni Armeña matindi ang kanilang paniniwala sa AKB dahilsan sa malaki ang naging tulong nito sa kaniyang hanapbuhay./ Samantala karamihan sa mga dating scholar ng Ako Bicol ay nagtatrabaho na ngayon sa ibat-ibang parte ng mundo kagaya ng Kingdom of Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates, Japan, Kuwait, Taiwan, Turkey, United States maging sa Singapore. //LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
6 NA MAJOR ACTIVITY KAILANGANG PAGDAANAN NG HALOS WALONG DAANG PARTISIPANTE SA 2016 BICOL INVITATIONAL YOUTH SUMMER CAMP
Anim na exciting activities ang kailangang pagdaanan ng mahigit 800 partesipantes sa nagpapatuloy na 2016 Bikol Youth Summer Camp kung saan ginaganap ito sa Our Lady of Seminary dito sa lungsod ng Sorsogon./ Kahapon sa programang ikasa mo at ipuputok ko sinabi ni Mr. Joel Gaon ng Boys Scout of the phils. na siyang nangunguna sa mga aktibidad ng summer camp./ pangunahing layunin ng nasabing summer camp ay upang ma mold ang kaisipan ng mga kabataan para matutunan nila ang ibat ibang aspeto ng leadership./ kaya naman ang mga aktibidad lahat ay my kinalaman sa leadership./ sa kabilang dako, sinabi parin ni Mr. Gaon na pinipili ng mga organizer na maiikot sa ibat ibang lugar sa buong region ang venue ng nasabing aktibidad kung saan ang bicol invitational youth summer camp noong 2015 ay sa lalawigan ng Albay ginawa./ Samantala, malaki ang naging pasasalamat ni Mr. Gaon sa local na pamahalaan lungsod at ng proveincial Governament dahilan sa mainit nitong sinuportahan ang kanilang programa./ Umaasa ang mga organizer sa pangunguna ni Mr. Raul Guevarra na malaki ang maitutulong ng anim na araw na summer camp sa pag develop sa mga kabataan ng bicol.//LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
SUPORTERS NG MGA PASAWAY NA KANDIDATO IBINABALIK ANG MGA POSTER NA PINAGTATANGAL NG COMELEC TEAM SA KANILANG OPERATION BAKLAS
Tila pang iinsulto sa grupo ng comelec sorsogon ang ginagawa ng ilang mga supporter ng mga kandidato ang kanilang ginawa kahapon sa isinagawang operation baklas ng Comelec Sorsogon./ Matatandaan na sa pag arangkada nito kahapon kapansin pansin sa may parteng Castilla, ang ilan sa mga supporter ng mga kandidato na makalipas ang halos 20 minutes pagka alis ng baklas team agad naman ibinabalik ng mga pasaway na supporter ang mga campaign paraphernalia ng kanilang kandidato./ Sanib pwersa ang Commission on Election Sorsogon PNP, Phil Army, BFP, DENR, CENRO, MENRO at iba pang ahensyang nangangalaga sa kalikasan./ kaugnay nito Halos hindi maipinta ang mga mukha ng mga supporter ng kada kandidato sa tuwing babaklasin at sisirain ng mga otoridad ang kanilang mga campaign materials na hindi nakalagay sa tamang lugar./ Samantala, umaasa ang comelec na makakatulong ang kanilang ginagawa para matuto ang mga kandidato dahilan sa hindi sila titigil sa mandato sa kanila ng comelec national office.//https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
MGA KONGRESISTA MAS GUSTONG I APPOINT NALANG ANG MGA BRGY OFFICIALS
Hanggang sa ngayon wala paring humpay ang samot saring isyu tungkol sa barangay election./ Matatandaan na hanggang sa ngayon hindi parin talaga matiyak kung itutuloy ito ngayong October 2016 o hindi ang barangay election./ Ayon sa ilang mga kongresista mas makabubuti umano na I abolish nalang ang election ng mga barangay officials dahilan sa pinagmumulan pa umano ito ng kaguluhan sa kada brgy./ kaugnay nito nagpasa sila ng HB 3349 na may pamagat na An Act abolishing the election of Barangay officials, declaring all elective Barangay positions as appointive positions./ kung saan ibig nitong amyendahan kasalukuyang batas na nasaad sa Sections 39, 40, 41, 42, at 43 ng R.A. 7160 na mas kilala sa tawag na Local Government Code of 1991./ Samantala, umani naman ng negatibong reaksyon ang nasabing HB dahilan sa sinusupil umano nito ang karapatan ng mamayan na tumakbo bilang brgy official./ malinaw umano na ibig lang nilang kontrolin ang mga opisyal na dapat umugit sa bwat barangay.//LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
MALA HIGANTENG ALON SA BAYAN NG GUBAT, PINAGKAKAGULUHAN NG MGA SURFER
Umaabot sa halos walong talampakan ang taas ng alon sa lola sayong surf camp sa bayan ng Gubat na siyang Pinagkakaguluhan ng mga surfer lovers./ Kaugnay nito buhos sa ngayon nang mga surf enthusiast sa nsabing bayan upang subukan ang galing ng natural na alon na the best para sa mga surfer./ Kaugnay nito kapansin pansin na hindi lang mga local na mga surfers ang dumarayo sa bayan ng gubat kundi maging mga banyagang turista./ sa pagsasaliksik ng wow patrollers ang nasabing lugar ay ipinagalan sa may ari ng nasabing lugar na si lola sayong kung saan pinamamahalaan ito ng Gubatnon for Adventurism Organization./ Ang lola sayong’s surf camp ay perfect sa mga surfers, adventure seekers, travelers at sa lahat ng mga nagnanais magkaroon ng exciting na summer vacation./ Nasa Class C to A naman ang mga waves o alon na nagpaparamdam sa bayan ng gubat tuwing summer hanggang kalagitnaan ng September./ Samantala sa lahat ng nagnanais na makarating at subukan ang adventure sa Lola Sayong Surf Camp pwedeng bumisita sa nsabing lugar dahilan sa nag o offer din sila ng tutorials for the beginners.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
PROVINCIAL SCHOLARSHIP PROGRAM MULING NAG HAHANAP NG MGA SCHOLARS
Kasado na sa April 22, 2016 araw ng biyernes ang pagtanggap ng aplikasyon ng provincial scholarship program./ Matatandaan na taon taon ito ginagawa ng provincial government./ ngayong school year muli na naman maghahanap ng mga poor and deserving students ang probinsya./ kung saan isasagawa ito sa room 103 sa sorsogon community college sa ganap na alas 9 ng umaga hanggang alas dose ng tanghali at ala una y medya ng hapon hanggang ala singko ng hapon./ requirements sa nasabing aplikasyon ay ang sumusunod: Sign letter of intent, accomplish form 212 o bio data na may kalakip na 2x2 ID picture, NSO authenticated birth cert. high school grad. school year 2012 hanggang 2015, kailangang may certificate ng good moral character, may BIR Cert na nagpapatunay na hindi lalagpas sa 50k ang yearly income ng mga magulang./ importante rin ang brgy clearance, report card form 138, sorsogon community college entrance test result, at sorsogon state college entrance test result./ samantala para sa iba pang impormasyon maaring kontakin si Librada Esplana sa CP # 0915.292.74.06 o kaya si Vivian Sincero sa 0929.456.5703./LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
EVUALUATORS MULA SA DILG AT DENR NAPAHANGA SA BASURAHAN NG SORSOGON CITY
Napahanga ang mga evaluators na galing pa sa national at regional offices ng DENR at DILG ng sorpresa nitong bisitahin ang basurahan na pinagtatapunan ng lahat ng basura ng Sorsogon City ./ Matatandaan na kahapon dumalaw sa sorsogon ang mga evaluators at biglang nagyayang silipin ang basurahan ng lungsod./ Kaugnay nito hindi sila makapaniwala na wala silang nadatnan na mabahong amoy at maraming langaw kaya talagang Napahanga sila sa sistema na ginawa ng Sorsogon City Government./ Isa kaseng magandang waste and garbage disposal area ang aming natunghayan- saad pa ng mga evaluators./ Noon kaseng nakaraang buwan lang ay ginawa itong opening salvo sa kampanya para sa kandidatura ng isang dating mayor ng lungsod na umano'y pinabayaan ng kasalukuyang administrasyon./ Ang mga bagay na ito ay sadyang pamumulitika sa kadahilanang napakaganda ng basurahan ngayon sa sitio sta. teresita, Bato, Bacon District./ Mismong ang mga evaluators galing pa sa national at regional offices ng DENR at DILG ay nagulat sa napakahusay na sistema na ginawa dito kung saan wala man lang amoy at may proseso na nasa high quality at standards ang pagtatapon ng basura dito na dumaan sa masusing monitoring ng City ENRO.
Subscribe to:
Posts (Atom)