WOW

Thursday, April 14, 2016

"BISHOP BASTES NANINIWALANG PERA NG BAYAN ANG GINAGASTA NI BONGBONG MARCOS SA KANYANG PANGANGAMPANYA

Binatikos ni Sorsogon Catholic Bishop Arturo Bastes na di umanoy ginagamit ni Bongbong Marcos ang pera ng bayan para sa kanyang pangangampanya./ sa isinagawang launching ng kampanya laban sa pagbabalik ng mga Marcoses sa MalacaƱang matigas ang paninindigan ni Bastes na ang mga ninakaw ng mga marcoses noong panahon ang siyang ginagamit ngayon ni Bongbong marcos para matupad ang kanyang pangarap na muling makabalik sa malakanyang./ kanya pang inilarawan ang mga Marcoses na sinungaling dahilan sa sinasabi umano ni bongbong na wala naman siyang kinalalaman sa mga pinag gagawa ng kanyang ama lalo na noong martial law./ dinagdag pa ni bastes na alam niya ito dahilan sa ng mga panahong yun ay naka destino siya bilang diocesan pastoral coordinator of Surigao kung saan napasama ang pangalan niya sa top three personalities na subject for liquidation SANA noon ng mga militar./ Samantala, binigyang diin ni bastes na dapat papanagutin si Bongbong Marcos sa ginawa noon ng kanyang diktador na ama.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

No comments:

Post a Comment