WOW

Tuesday, March 11, 2014

Tax exemption para sa mga tsuper ng tricycle at operators sa lungsod ng Sorsogon APRUBADO NA NG BIR.

March 12, 2014 : SORSOGON CITY - Laking pasasalamat ni Former City Councilor Victorino “Bitong” Daria III  makaraan na maaprubahan na ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang percentage Tax exemption para sa mga tsuper ng tricycle at operators sa lungsod ng Sorsogon.

Ayon kay City Traffic Consultant Daria, matagal na niyang isinulong ito taong 2011 pa at pursigido siyang matulungan ang mga tsuper kung saan naniniwala siya na  apektado ang mga ito sa percentage tax at malaking abala ito para sa kanila lalo pa na isa ito sa mga kinakailangan bayaran kung magpaparehistro

Matatandaan na  aprubahan ang resolution no. 202 series of 2011 sa sangguniang panglungsod noong June 27, 2011 nang nanunungkulan pa bilang konsehal si Mr. Daria. //


Written by : Wow Patrol # 2  Meisher B. Montemayor

No comments:

Post a Comment