March 12, 2014 : SORSOGON - “Juana, ang tatag mo ay tatag natin sa
pagbangon at pagsulong” yan ang naging tema sa ginanap na Women’s forum sa
patuloy na pagdiriwang ng women’s month ngayong marso na ginanap sa function
hall ng Sorsogon City Hall

Suportado naman ni sorsogon city
mayor sally a lee ang pagdiriwang na ito, kung saan nagbitaw pa ito ng mga
makahulugang mensahe, maging si nanay Evie Escudero at Gov. Raul Lee ay naging
mainit naman ang pakikiisa dito.
Sa binigay naman na mensahe ni admin
bobet na tinawag na “juanito”, sinabi niya na napakalaki ng role ng mga
kababaihan sa probinsya, dahilan sa maraming mga kababaihan ang nangunguna sa
probinsya ng sorsogon.
Kasama na dito ang kanyang nanay
na siyang alkalde ng lungsod, evie escudero, vice mayor charo dichoso at marami pang iba.
Samantala, ipinagmalaki
din ni admin bobet na ang probinsya ng sorsogon ang humakot ng awards patungkol
sa health services sa kabila ng madaming negatibong pinupukol dito//
Written by: Wow Patrol # 8 Angelica Lasala
No comments:
Post a Comment