WOW

Tuesday, March 11, 2014

PDEA AT PNP SORSOGON MULING NAKA ISKOR

March 12, 2014 : SORSOGON CITY - Arestado ang isang lalaki sa ginawang by bust operation ng pinagsamang pwersa ng Sorsogon City Police Station at ng PDEA 5 bandang alas 5 ng hapon kahapon sa Sorsogon City Public Market.

Kinilala ang suspek na si Reynaldo Detera Bangiban alias “Panat” na kung saan narecover ang isang folded white paper na may lamang marijuana, 500 peso bill at isang disposable lighter.

Samantala, nasa kustodiya na ng Sorsogon City Police Station ang nasabing suspek at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Written by: Wow Patrol # 7  Gerrilyn C. Godoy

No comments:

Post a Comment