WOW

Wednesday, March 12, 2014

LIMANG KALALAKIHAN NASAKOTE NG MGA OTORIDAD SA PAGPUTOL AT PAG BIYAHE NG KAHOY NA WALANG KAUKULANG PERMISO

March 12, 2014 : CASTILLA / BULAN - Rehas na bakal na ang hinihimas nina Henry Montiza Manga 44yo, Larry Lodangga Mirandilla 31 at Gerry Mendiz Gredito 35 mga residente naman ng Brgy. Dinapa Castilla, Sorsogon.

sa impormasyon na nakuha ng mga wow patrollers, huli sa aktong nagpuputol ng kahoy grupo ni PINSP Jose Arnel Geronga dalawa habang nagpapatrolya ang mga ito sa nasabing lugar.

Samantala, Kalaboso naman sa bayan ng castilla sina Romy Miranda y Albor 36yo at Wilmer Estiller y Tiago 33yo pawang nakatira sa sa brgy. Fabrica sa bayan ng Bulan habang ibinabiyahe ng mga ito ang mga pinutol na coco-lumber ng walang permiso mula sa Phil Coconut Authority.

Sa impormasyon na nakuha ng News and Information Center, nahuli ng mga brgy. Tanod ng brgy Obrero  ang nasabing mga suspetsado sa may porsyon ng brgy. Managa-naga sa nasabing bayan.

Sa ngayon, inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspetsado.


Written by: Wow Patrol # 1  Bonn Laureta Habal

No comments:

Post a Comment