WOW

Monday, March 10, 2014

LOKAL NA PAMAHALAAN NG LALAWIGAN AT LUNGSOD NG SORSOGON SUPORTADO ANG PAGBISITA SA SORSOGON NI PIA DEP. DIR. GEN. Mr. VIRGILIO DELA CONCEPCION GALVEZ

March 11, 2014 : SORSOGON - Matindi ang naging paghanga ni Deputy Dir. General ng Phil Information Agency na si mr. VIRGILIO DELA CONCEPCION GALVEZ sa mainit na pagtanggap ng local na pamahalaan ng probinsya ng sorsogon sa pangunguna ni Sorsogon Gov. Raul R. Lee at Provincial Admin Robert Bobet Lee Rodrigueza sa pag bisita nito kahapon dito sa lalawigan ng sorsogon.

Kaugnay nito labis naman ang pasasalamat ni DG Galvez sa local na pamahalaan ng probinsya dahilan sa suportang ipinakita nito sa mga programa ng PIA.

Matatandaan na umaga palang kahapon ay nasa bayan na ng Pilar si DG Galvez at duoy kinausap niya si mayor dennis reyes kasama ang kanyang PIA officer .

Sa isang exclusibong panayam kay DG Galvez, sinabi nito na importante ang tulong ng mga local na pamahalaan at mga private media sa ganap na ikasusulong ng mga mahahalagang impormayon kasama na dito ang mga eskwelahan.

Samantala, full support naman ang buong pamunuan ng PIA sorsogon sa pangunguna ni Sorsogon PIA Manager na s imam benny resebido.

Sa kabilang dako, ang pagbisitang ito ng DG ng PIA ay nagpapatunay lamang ito sa malaking tiwala ng nasabing ahensya sa pamunuan ni Gov. Raul Lee.


Written by: Wow Patrol #1 Bonn Laureta Habal

No comments:

Post a Comment