March 11, 2014: MAGALLANES - Hindi na magiging mahirap sa mga otoridad ang
pag imbistiga sa pagkakabaril ng dating kagawad ng bayan ng magallanes na
kinilala sa pangalang Gleen Lee.
Sa salaysay ng Celso Minguez Command
ng Bagong Hukbong bayan sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Ka
Samuel Guerrero siy Glen Lee ay napatunayan umanong may sala sa kasong
panggagahasa at pagpatay sa pitong-taong gulang na batang babae na si Escarlet
Soriano, taga-Sitio Telegrapo, Brgy. Aguada Sur, Magallanes, Sorsogon.
Ayon pa sa nasabing grupo ang
pagpaparusa kay Glen Lee ay hustisya para sa inosenteng biktima nito na matagal
nang hinahangad ng pamilya ng biktima at mamamayan sa bayan ng Magallanes.
Matatandaan na kahapon ng tanghali mga
dakong alas onse y medya ng umaga pinaulanan ng bala ng apat na kalalakihan na kargado ng m16 ARMALITE sa may parte
ng brgy. Bulala sa bayan ng magallanes habang ito ay sakay ng motorsiklo, maswerte
naman at hindi nadamay ang angkas nito na kinilala naman sa pangalang wilfredo
mella.
Written by: Wow Patrol #1 Bonn Laureta
Habal
No comments:
Post a Comment