March 11, 2014: SORSOGON CITY - Dagsa pa rin ang mga kabataan
na nag nanais mapabilang sa Special Program ng Lokal na pamahalaan ng Sorsogon
para sa Summer Job ngayon taon kung saan nalalapit na naman ang pagsasara ng
klase.
Matatandaan na nagpasimula ang registration ng Special
Program for Employment Student o SPES noong Pebrero 24, 2014 at tatagal ito ng hanggang
Marso 18, 2014.
Samantala sa lahat ng interesado at kwalipikadong aplikante
ay magtungo lamang sa opisina ng Human Resources Management na matatagpuan sa 2nd
floor ng Sorsogon City hall sa Brgy. Cabid-an, bukas din ang oportunidad na ito
para sa mga kwalipikadong Persons With Disability o PWD makipag ugnayan nalang
sa CSWDO.
Written by: Wow Patrol # 2
Meisher B. Montemayor
No comments:
Post a Comment