WOW

Friday, March 14, 2014

EARTH HOUR 2014 KASADO NA

March 14, 2014 : SORSOGON - Nagpalabas ngayon ng paanyaya ang Philippine Information Agency (PIA)-sorsogon sa lahat ng grupo, organisasyon lalo na sa mga local na pamahalaan na makiisa sa nalalapit na Earth Hour 2014.

Matatandaan na Unang isinagawa ang Earth Hour sa Sydney, Australia noong Marso 31, 2007. Humigit kumulang 2 milyon katao ang nakilahok sa pagpatay ng ilaw nun sa oras na alas-7:30 hanggang alas-8:30 ng gabi. At sa sumunod na taon, ito ay idinaraos sa mahigit 35 bansa. Hanggang sa lumago pa ito sa mga 
nagdaang mga taon. Kasama ang Pilipinas sa napakaraming bansa na lumalahok sa nasabing event.

Ang earth Hour ay hindi lang pang-kalikasan,  Hindi lang ito pagpapatay ng ating ilaw at kuryente sa loob ng isang oras. Bagkus, ito ang ating pamamaraan sa ating pagtitipid sa ating gastusin dun.  Ito rin ang pangunahing hakbang para makatulong tayo sa ating Inang Kalikasan.

Samantala ang earth hour 2014 ay gaganapin sa darating na March 29, 2014, araw ng sabado sa ganap na  8:30- hanggang alas 9:30 ng gabi.

Written by: Wow Patrol # 1  Bonn Laureta Habal


No comments:

Post a Comment