March 14, 2014 : SORSOGON - Muling
nagpalabas ng abiso ang pamunuan ng Nationl Grid Corporation o NGCP tungkol sa
kanilang isasagawang repair and maintenance ng mga linya ng kuryente ng 69KV
Daraga sorsogon Irosin Line.
Kaugnay nito, sa ngayon palang ay
humihingi na agad ng paumanhin ang pamunuan ng Sorsogon 2 electric cooperative
dahilan sa makakaranas ng labing dalawang oras na brown out ang dalawang
kooperatiba ng kuryente sa lalawigan ang soreco uno at soreco dos.
Matatandaan na provincewide brown out
ay una ng nai-schedule noong nakaraang marso a syete, ayon nga sa NGCP at
soreco 2 matutuloy na ito sa darating na martes, petsa 18 ng marso ala sais ng
umaga hanggang ala sais ng gabi.
Rason ng nasabing power service
interruption ay ang pagpapalit ng poste , insulators, cross arms at pasasaayos
ng mga sirang linya ng kuryente.
Samantala, pinapa alalahanan din ng
nasabing ahensya na maaaring maibalik agad ang serbisyo ng kuryente sa oras na
maisaayos kaagad ang nasabing mga poste.
Written by: Wow Patrol # 1 Bonn Laureta Habal
No comments:
Post a Comment