WOW

Friday, March 14, 2014

City-ENRO, Sumagot na tungkol sa pinag uusapang dumpsite ng lungsod.

MARCH 14, 2014 : SORSOGON CITY - Nilinaw sa ngayon ng Lokal na pamahalaan ng Sorsogon City LGU-Sorsogon City Environment and Natural Resources Office o City-ENRO na ang pagsarado ng  dumpsite sa Brgy. Buenavista, West District, Sorsogon City ang rason kung bakit  nai-divert sa Brgy. Bato, Bacon District ang pagtatapok ng basura kan syudad.

Ayon kay  City-ENRO Ronando F. Gerona Jr. mayroon namang nakapontiryang solusyon sa pamamahala ng basura ng lungsod sa pamamagitan ng isinasagawang MRF (material Recovery Facility) sa Brgy. Buhatan, East District.

Dagdag pa ni Gerona na nasa construction phase pa ang MRF ng Sorsogon City na inaasahang  makakabawas sa basura na itinatapon sa nsabing dumpsite.

Samantala, target ng City-ENRO na maipatupad ang tamang polisiya tungkol sa Ecological Solid Waste Management Program bilang mandato ng LGU.

ayon pa sa opisyal, uumpisahan  sa barangay ang waste segragation sa tulong naman ng mga opisyales sa kada barangay.

Written by: Wow Patrol # 5  Angelie Bandoquillo


No comments:

Post a Comment