WOW

Monday, March 10, 2014

SORECO2 NAGPALABAS NA NG PALIWANAG TUNGKOL SA NGYARING BLACK OUT NOONG NAKARAANG LINNGO.

March 11, 2014 :  SORSOGON CITY - Opisyal ng nagpalabas ng anunsyo ang pamunuan ng sorsogon 2 electric cooperative sa pamamagitan ni Mr. Ramoncito J. Caranza Jr., Member services Dept. manager tungkol sa fluctuations ng supply ng kuryente sa halos buong probinsya ng sorsogon noong nakaraang petsa nueve ng Marso.

Sa liham na pinadala ng nasabing cooperatiba, ang dahilan ng nasabing pag fluctuate ng kuryente ng mga bandang alas 5:22 ng hapon, 5:23pm at ang province wide black out na nag umpisa sa oras na 5:41pm to 7:09pm noong nakaraang lingo ay ang pagkaputol ng daraga=sorsogon 69kv line jumper wire ng national grid corporation o NGCP sa pole ng 566A phase B na nasa brgy. Tublijon.

Dagdag pa sa impormasyon ng soreco 2 na ang mga dahilang ito ay inamin naman mismo ng pamunuan ng NGCP management.

Samantala, humihingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng soreco 2 sa lahat ng mga member consumer na naapektuhan.


Written by: Wow Patrol # 1  Bonn Laureta Habal

No comments:

Post a Comment