WOW

Sunday, March 16, 2014

12 ORAS NA PROVINCEWIDE BROWN OUT,MULING IKINASA NG NGCP BUKAS

March 17, 2014 : SORSOGON - Sa ngayon palang ay humihingi na agad ng paumanhin ang pamunuan ng Sorsogon 2 electric cooperative dahilan sa makakaranas ng labing dalawang oras na brown out ang buong probinsya bukas ng maghapon./

Sa impormasyon nagpalabas ang pamunuan ng Nationl Grid Corporation o NGCP ng abiso na magkakaroon sila ng repair and maintenance ng mga linya ng kuryente ng 69KV Daraga sorsogon Irosin Line./

Matatandaan na provincewide brown out ay una ng nai-schedule noong nakaraang marso a syete, ayon sa  NGCP at soreco 2 matutuloy na ito bukas ga martes, petsa 18 ng marso ala sais ng umaga hanggang ala sais ng gabi./

Rason ng nasabing power service interruption ay ang pagpapalit ng poste , insulators, cross arms at pasasaayos ng mga sirang linya  ng kuryente./

Samantala, pinapa alalahanan din ng nasabing ahensya na maaaring maibalik agad ang serbisyo ng kuryente sa oras na maisaayos kaagad ang nasabing mga poste.//


Written by: Wow Patrol # 1   Bonn Laureta Habal


No comments:

Post a Comment