WOW

Thursday, March 20, 2014

ISANG LALAKI, PINAGBABARIL MATAPOS LIMASIN ANG DALA NITONG PERA NA HUMINGIT KUMULANG SA DALAWANG MILYONG PISO

March 21, 2014-MASBATE- Sugatan ang isang lalaki, matapos limasin ang dala nitong pera na humigit kumulang sa dalawang milyon sa lalawigan ng Masbate./

Ayon sa report ito na ang isa sa pinakamalaking nairehistrong insedente ng hold-up sa nasabing lalawigan./

Kinilala ang biktima na si Eleazar alforno 46yo isang disbursing officer ng Claveria Masbate at residente rin ng nasabing lugar./ Sa inisyal na imbistigasyon, pinagbabaril ang nasabing biktima mga bandang alas 10:15 ng umaga kahapon matapos tangayin dala nitong pera./

Sa impormasyong nakalap ng wow patroller, galing sa banko ang nasabing biktima ng bigla na lang itong tambangan ng dalawang di pa nakikilalang lalaki at nilimas ang pera nitong dala dala./

Agad naman itong dinala sa pinakamalapit na ospital. Samantala, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing insidente.

Written by: Wow Patrol #7 Gerrilyn C. Godoy

No comments:

Post a Comment