WOW

Sunday, March 16, 2014

Mass Blood Letting ng ADD naging matagumpay

March 14, 2014 : SORSOGON CITY - Matagumpay na naisagawa ang Mass Blood Letting ng Ang Dating Daan o ADD kahapon sa kanilang coordinating center sa brgy. Macabog dito sa lungsod ng sorsogon katuwang ang Phil Red Cross-sorsogon, City Health Office at ng Dept. of Health.

Ayon impormasyon ang adbokasiyang ito ay matagal ng isinasagawa ng Grupong Ang Dating Daan na pinapangunahan ni Bro. Eli Soriano katuwang si Bro. Daniel Razon na tinaguriang Mr. Public Service.

Labis namang ikinatuwa ng pamunuan ng Red cross ang regular na mass blood letting ng ADD isinasagawa nila apat na beses isang taon sa buong pilipinas kasama na ditto ang ibang bansa.

Samantala, malaki ang nagiging benepisyo ng blood donor, bukod sa libreng mini-physical examination, malalaman mo rin kung mayroon kang sakit kagaya ng Hepatitis B, Hepatitis C, Syphilis, HIV/AIDS at kung anu-ano pa.



Written by: Wow Patrol # 1   Bonn LAureta Habal

No comments:

Post a Comment