WOW

Friday, September 9, 2016

DALAWANG LALAKING NAWAWALA SA BAYAN NG MATNOG NA RESCUE SA BUTUAN CITY

Na rescue na ng mga police ng butuan city ang dalawang lalaki na napa ulat na nawala sa terminal ng matnog noong hulyo 1. Matatandaan na halos magwala ang magulang ng dalawang kalalakihang ng bigla itong maglaho. Ayon kay PS/Inspector Calagui na siyang Chief of Police sa bayan ng matnog, matapos ang nagging ulat agad nilang inalarma ang lahat ng kapulisan sa buong pilipinas. Kinilala naman ang dalawang lalaki na sina Wilson Geneblaso Jr. at Nonito Pantoni Jr. Ayon sa nakalap na impormasyon ng wow patroller isang Mabazuka Arakim ang nagpakilala sa mga bata kung saan inoperan ito na magtrabaho bilang isang helper sa bakery ngunit pagdating sa butuan city ay agad na hinold ito ng mga kapulisan dahilan sa nuna na silang inalarma ng PNP matnog. Sakabilang dako labis naming ikinatuwa ng kanilang pamilya ang mabilisang aksyon ng kapulisan. Samantala kinasuhan na ng paglabag sa republic act of 9208 o ang anti trafficking of person of 2003. Sa ngayon ay sasailalim na sa medico legal ang mga biktima. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

RESIDENTE NG BRGY PANGE NATATAKOT PARIN SA POSIBLENG PAG GUHO NG LUPA SA KANILANG LUGAR

Sa kabila ng Wala ng naiulat na pag galaw ng lupa sa brgy pange sa bayan ng matnog subalit nababahala parin ang mga residente ditto nab aka isang araw ay muli na naman itong gumalaw. Matatandaan na nagkaroon na ditto ng minor landslide na labis na ikinatakot ng mga residente nito. Ayon kay Brgy Councilor Rogelio Gera Local Monitoring Council Member sa ngayon wala naman silang nararanasan na pag galaw ng lupa, kung saan tatlong beses din umano nilang minomonitor ang lugar para masiguro ang kaligtasan ng mga residente dito. Sakabilang dako takot parin ang nararamdaman ng mga residente dahilan sa malaki parin ang posibilidad ng muling pag guho ng lupa lalo na sa tuwing bubuhos ang ulan. Samantala hiling naman ng mga taga brgy pange na mailipat na sana sila sa lalong mas madaling panahon sa lupang nakalaan para sa kanila na binili pa noong nakaraang administrayon sa pamamahala ni dating mayor Emil Panday Ubaldo. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

GOVERNOR BOBET LEE RODRIGUEZA, TUTOK NA TUTOK PARA MAPIGILAN ANG TERORISMO SA LALAWIGAN

Personal na tinututukan sa ngayon ni Sorsogon Governor Bobet Lee Rodrigueza ang pangangalaga sa katahimikan. Kaugnay nito naging sentro ng kanilang pagpupulong ng pinagsamang pwersa ng Phil. Army, Philippine Port authority, Phil. Coastguard at LGU ang pag bibigay ng seguridad sa pantalan ng matnog kung saan dagsaan ang mga pasaherong pumapasok at lumalabas dito. Ayon sa panayam kay PS/Ins. Ronaldo Calagui Jr. mas mahigpit na ang ipapatupad nilang pag iinspeksyon sa pantalan ng matnog kung saan iniinspeksyon nila ang mga strebo ng sasakyan at mga bagahe ng mga pasahero. Dagdag pa ni PS/Ins. Calagui na mayroong holding area ang mga sasakyan para mas ma inspeksyon nila ng mabuti ang mga sasakyan. Mayroon namang k9 dog na syang katulong nila upang ma detect ang mga pampasabog na maaaring mailusot ng terorista. Sakabilang dako sapat umano ang bilang ng mga otoridad para bigyan ng seguridad ang bayan ng matnog na syang entry point ng ibang lalawigan. Nangako naman si Governor Bobet at ang pamunuan ng Phil. Army na dadagdagan ang k9 dog para ma detect nila ang droga at bomba na posibleng mapuslit dito. Samantala hinihingi naman ni Calagui ang tulong ng mga sibilyan para maging maayos ang bayan ng matnog at dagdag pa nito na ang kanilang ginagawa ay upang ma proteksyunan lamang ang publiko. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

MSWDO AT PNP SA BAYAN NG CASIGURAN HANGAD NA MAGKAAYOS NA ANG MGA MAGULANG NG GRADE 1 PUPIL NA UMANOY SINAKTAN AT NG GURO NITO

Handa umano ang pamunuan ng MSWDO at PNP sa bayan ng casiguran na tulungan ang magulang at ng mismong batang biktima ng diumanoy pananakit sa isang bata. Ayon kay Glocenda Bontigao na siyang Social Worker Officer sakaling hindi makontento sa imbestigasyon ng Dep.Ed ang mga magulang ng isang grade 1 na estudyante handa silang tulungan ito. Sakabilang dako ayon naman kay PO2 Rocindy Hymalin Gender and Development Section ng Casiguran PNP sila naman ang magsasampa ng kaso kung sakaling hindi magkasundo ang dalawang panig at hingin na ang kanilang asistensya ng mga magulang ng bata. Dagdag pa ng MSWDO at PNP na hangad parin nila na magkaroon na ng pagkakaayos ang dalawang panig at hindi na umabot sana sa pagsampa ng kaso. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

KABALIKAT KONTRA DROGA O KASADO NA SA BIBINCAHAN PARA LABANAN ANG DROGA

Kasado na ang grupong lalaban sa droga ditto sa brgy bibincahan sa pamamagitan ng Kabalikat Kontra Droga. Kaugnay nito nagkaroon ng pagpupulong ang lahat ng leader ng iba’t ibang sector, organisasyon at asosasyon sa Brgy Bibincahan Sorsogon City. Sa nakalap na impormasyon ng wow patrollers, layunin ng pulong ay upang mabuo ang grupong KKD o Kabalikat Kontra Droga. Anya bubuin ito kaugnay sa mandato ni Pangulong Duterte sa pagsugpo sa illegal na droga. Ayon sa panayam ng wow patroller mahalaga umano na sa mismong brgy nagsisimula ang pag sugpo sa droga upang mailayo ang lahat ng mga kabataan dito. Samantala inaasahan naman na makikiisa sa pagpupulong ang transport sector, health worker, brgy tanod, pastoral council, home owners association, farmers council at GPTA officers. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

STATE OF EMERGENCY NAGING SENTRO NG PAG PUPULONG NILA GOVERNOR BOBET LEE RODRIGUEZA AT PD CABRAL

Kaugnay ng Executive Order ni Pangulong Rodrigo Duterte na State of Emergency agad itong pinag usapan nina PSSUPT Ronaldo Cabral at Governor Robert Bobet Lee Rodrigueza. Ayon kay PSSUPT Cabral direktang inutusan ni Pangulong Duterte ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na magkaroon ng mas pinaigting na pagbabantay sa lahat ng pampublikong lugar sa buong pilipinas kasama na nga dito ang pagkakaroon ng checkpoints, visibility at chokepoints. Sakabilang dako ang AFPat PNP umano ay magkasamang mag ooperate sa pagbibigay seguridad sa publiko kasama sa checkpoint ang pagpasok sa mga bus at pag inspeksyon sa mga bagahe sa pantalan. Samantala dinagdag pa ni PD cabral na hindi maabuso ang karapatang pantao sakanilang ginagawang check point at pagbabantay dahilan sa bago naman umano pumasok sa isang sasakyan o bago inspeksyunin ang mga bagahe ay nagpapaalam naman ang kanilang mga tauhan, humihingi din ng despensa ang pamunuan ng PNP at AFP sa sorsogon kung nagkakaroon man ng delay o aberya na nangyayri, ginagawa lamang umano nila ito para sa seguridad naman ng bawat sorsoganon. Umaasa naman si Governor Bobet na makikiisa ang lahat ng mga sorsoganon para narin hindi masalisihan ng mga terorismo. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

DENR INILATAG NA ANG KANILANG PROPOSAL SA 6TH CITY COUNCIL KAUGNAY SA PAGKAKAROON NG SARILING SURVEYING EQUIPMENT

Hiniling kahapon ng DENR na pinamumunuan ni Mr. Jose Feruelo Supervising Ecosystem Management Specialist na bumili na lamang ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng sorsogon ng mga surveying equipment at mag hire ng mga surveyor. Noong Setyembre 09 ay inilatag na ng ahensya ang kanilang proposal sa 6th city council. Ayon kay Feruelo malaki ang matitipid ng lungsod kung magkakaroon ng sariling equipment at mag hire ng surveyor sa pag survey ng mga public land, sa ngayon kasi ay wala pang sariling equipment ang ahensya. Sakabilang dako ay kwenestyon naman ito ng 6th council dahil sa madami pa umanong mas importanteng programa na kanilang prayoridad at dapat unahin. Samantala tinalakay din ng DENR na kung maaari ay ipamahagi na lamang sa mga tao ang mga public land dahil hindi naman nagbabayad ng amelyar ang mga nakatira dito dahil sa wala pang titulo ang mga ito, ngunit kung maipapamahagi na ito ay parehong makikinabang ang lungsod at ang home owner dahil obligado na ang mga ito na magbayad. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

RESIDENTE NG ESKWALA SA BAYAN NG CASIGURAN IPINAGTANGGOL SI TEACHER HAYAGAN KAUGNAY SA ISYU NG PANANAKIT NITO SA ESTUDYANTE

Itinanggi ng mga residente ng brgy eskwala sa bayan ng casiguran ang bintang kay Teacher Hayagan ng pananakit sa kanyang estudyante sa naturang paaralan. Ayon sa magulang na nakapanayam ng wow patroller wala umanong kaso ng pananakit ang naturang guro. Isa umano itong mabait na teacher sakanyang mga estudyante at strikta lamang. Pinatotohanan naman ito ng dating brgy captain, wala naman silang natanggap na reklamo kaugnay ng isyung pananakit nito. Matatandaan na noong agosto lamang ay isang magulang ang nagreklamo ng pananakit ng guro sa kanyang Grade 1 na estudyante kung saan nagkaroon ito ng pasa sakanyang mga braso. Sakabilang dako nagkausap naman umano ang magulang, principal, at guro sa harap ng district supervisor kung saan nagkaroon na ng settlement at ilang mga kasunduan. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

EXPIRED NA NOODLES NA NAKAIN NG MGA DAYCARE STUDENTS INIIMBESTIGAHAN NA NG SANGGUNIANG BAYAN NG DONSOL

Agad na pinaimbistigahan ng Sanguniang Bayan sa bayan ng Donsol ang napaulat na nakakain umano ng expired na noodles ang estudyante ng Brgy. Ogud Day Care Center sa bayan ng donsol. Sa ipinadalang plastic ng noodles sa wow butanding radio ay napag alamang noong agosto 12 pa nag expired ang naturang pagkain. Iimbistigahan naman ng sanguniang bayan ang naturang kaso. Sa ngayon ay inaalam na ng SB ng donsol kung saan nanggaling ang expired na noodles at nag hihintay pa ng mga reklamo mula sa magulang ng day care center na naka kain nito. Sakabilang dako ang MSWDO na syang may programa ng food feeding program sa mga day care center ang syang namamahagi umano ng mga noodles. Samantala napag alaman namang madami pang mga daycare center ang nabigyan ng expired na LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

TOURIST SPOT SA STA. MAGDALENA PINAG AARALAN NG E DEVELOP AYON KAY MAYOR DONG GAMOS

Isinusulong ngayon ng Mayor Alejandro “dong” Gamos ng bayan ng Sta. Magdalena na ma develop ang wind surfing kung saan mag eenganyo umano ito ng mga turista at mga investors na maaring pumasok sa bayan ng Sta. Magdalena. Ayon sa alkalde na kasama ito sa kanilang programang bussiness and tourism hop kung saan i dedevelop nila ang maaring maging tourist spot sa naturang bayan, kasama din sa programa ng alklade ay ang pag imbeta ng mga bussiness man sa northern samar kung saan ang produktong mula sa northern samar ay ipapasok sa Sta. Magdalena at ang produkto naman na mula sa Sta. Magdalena ay papasok din sa northern samar. Sakabilang dako ang windblowing hop ay ang paglalayag gamit ang surfboard ang bila na mismong hangin ang magbibigay ng lakas sa paglalayag ng surfer, hindi naman makaka apekto sa mga maliligo sa dagat ang nasabing proyekto dahil malayo naman umano ito. Ito naman ang kauna unahang wind blowing hop sa buong sorsgoon. Samantala sa ngayon ay inaayos na muna ng lokal na pamahalaan ng Sta. Magdalena ang mga infrastructure dahil mahirap umano ang mag imbeta ng mga turismo at investor kung kulang ang kanilang mga facilities, sa ngayon mayroon ng bagong market ang nasambit na bayan at unfunded integrated transportation terminal. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

PNP SUBSTATION 2 NAG LAGAY NA NG CCTV SA CITY ROTONDA

Na install na ang CCTV sa may City Rotonda noong setyembre 5. Layunin nito ay upang ma monitor ng mas maayos ang galaw ng trapiko at makita kung sino ang lumalabag sa batas trapiko lalo na sa mga rush hour. Anya ang paglalagay ng CCTV ay malaking tulong dahilan sa mas mababantayan nila ang kaligtasan ng publiko. Sa kabilang dako, nilinaw naman ng pamunuan ng city PNP na ang kontraktor ng sorsogon city police sa sub station 2 ang may pananagutan sa paglalagay ng flagpole dito. Sa panayam ng wow news team kay City Chief of Police Dionisio Laceda at Deputy S/Ins Dinyo si Engineer Ricky Jimenez sana ang dapat mag provide ng flagpole dahil kasama umano ito sa kontrata ng pagtatayo ng naturang himpilan. Matatandaan na noong inauguration ng sub station 2 ay nang hiram pa sa sorsogon city police main office ng watawat ng pilipinas upang gamitin sa pagbubukas nito.

PANTALAN NG MATNOG MAS LALONG PINA IGTING ANG PAGBABANTAY

24/7 na pagbabantay sa pantalan ng matnog ngayon, mahigpit na ipinatutupad sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng PCG-Phil Coast Guard, PNP – Phil National Police, at PPA-Phil Ports Authority. Ayon kay Matnog PCG Chief Enrico Andal walang humpay ang kanilang pagbabantay para masigurong hindi sila malulusutan ng mga terorismo. MAtatandaan na umabot sa labing apat ang namatay sa nagyaring davao city blast. Siniguro naman ni Chief Andal na hindi sila kukulangin sa personahe dahilan sa mayroon silang shifting at tatlong grupo sila na nagtutulong tulong para mamantena ang katahimikan. Samantala maging sa lalawigan ng Masbate mahigpit din ang isinasagawang pagbabatany kung saan bantay sarado din ng mga otoridad ang pantalan sa nasabing lalawigan. Ayon kay Lt. Edgardo Aguilar Station Commander of PCG Masbate mahigpit din ang kanilang inspeksyon sa lahat ng mga bag at bagahi ng mga pasahero sa pantalan, ito ay upang masigurong walang makakalusot na anumang ikakapahamak ng mga pasahero bahagi sa kanilang pagbabantay ay ang paglalagay ng K9 dog.

FARM EQUIPMENT SA MGA MAGSASAKA SA SYUDAD NG SORSOGON IPINAMAHAGI NA NG CITY GOVERNMENT

Ipinamahagi na sa mga magsasaka sa syudad ng sorsogon ang mga farm equipment nito lamang nakaraang araw. Pinangunahan ng City Agriculture Office sa pamumuno ni Adeline Detera ang pamamahagi ng mga naturang kagamitan naroon din sina city councilor Jonas Duran, mga benepisyaryo at si Mayor Sally A. Lee. Sa ibinigay na mensahe ng alkalde sinabi nito na patuloy ang city government sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga sorsoganon lalo na sa mga magsasaka sa syudad. Dagdag pa ng alkalde na inaasahan nyang aalagaan ng mga benepisyaryo ang mga equipment na ibinigay sakanila. Sakabilang dako inaasahan na magpapatuloy ang programa ng syudad na organic city dahil na rin sa suportang ibibigay ng mga magsasaka sa naturang programa. Samantala labis labis naman ang kasiyahan at pasasalamat ng mga magsasaka sa mga opisyales ng syuda sa ibinigay na tulong sa kanila ng City Government sa pamumuno ng alkalde, dahil malaking tulong ang mga farm equipment sa kanilang hanap-buhay para sa kanilang pamilya. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon