Monday, June 1, 2015
SORSOGON KASAMA SA MGA POSIBLING MAKARANAS NG dry spell MULA AGOSTO HANGGANG DISYEMBRE
Isa ang lalawigan ng Sorsogon ang Tinukoy ng PAGASA-DOST sa mahigit 50 lalawigan na posibleng makaranas ng dry spell simula sa Agosto hanggang Disyembre ngayong taon./
Sa kasalukuyang tala ng weather bureau, 13 lalawigan lamang ang nakararanas ng dry spell pero dahil sa lumakas pa ang El NiƱo phenomenon, posibleng maapektuhan din ang ilan pang lalawigan kabilang na nga ditto ang dito ang bicol region kung saan bukod sa sorsogon kasama rin ang bahagi ng Albay- Masbate at Catanduanes.
Narito ang listahan ng ilan pang mga lugar na maaring maapektuhan ng dry spell:
CORDILLERA REGION,- Benguet,- Ifugao,- Mountain Province,
REGION 1,- Ilocos Sur, La Union- Pangasinan,
REGION 2- Isabela- Nueva Vizcaya- Quirino
REGION 3- Bataan- Bulacan- Aurora,
Region 4-A- Batangas,- Cavite- Laguna- Rizal- Quezon
REGION 4-B- Occidental Mindoro- Oriental Mindoro- Romblon,
REGION 6- Aklan- Antique
- Capiz- Guimaras- Iloilo- Negros Occidental ,
REGION 7 - bahagi ng Bohol- Negros Oriental
- Siquijor,
REGION 8 - Eastern Samar- Northern Samar- Samar- Southern Leyte,
REGION 9- Zamboanga Del Norte - Zamboanga Del Sur- Zamboanga Sibugay ,
REGION 10- Lanao Del Sur- Misamis Occidental,
REGION 11 (simula Nobyembre hanggang Disyembre)
- Compostela Valley- Davao Del Sur- Davao Oriental,
REGION 12- South Cotabato- Cotabato- Sarangani- Sultan Kudarat,ARMM- Basilan-Maguindanao- Lanao Del Sur- Sulu./
Samantala, Batay sa paliwanag ni PAGASA forecaster na si Aldczar Aurelio, nangangahulugan ang dry spell ng 20-60% mas mababa kaysa normal na pag-ulan sa isang lugar sa loob ng tatlong buwan. Mas matindi naman ang drought na ang ibig sabihin ay mahigit 60% na mas mababa kaysa normal ang dami ng bumubuhos na ulan.
visit : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
BANGKAY NATAGPUANG NAKAHANDUSAY SA ILALIM NG TULAY SA BALOGO
Binulaga ng isang bangkay kaninang umaga ang mga residente ng barangay balogo dito sa syudad ng sorsogon./
Sa impormasyong nakalap ng wow patrollers, nakilala ang nasabing bangkay na si Norberto Eringgo nasa pagitan ng 40 hanggang 50 anyos at may asawa./ Sa inisyal na imbistigasyon ng mga otoridad natagpuan ang bangkay sa ilalim ng tulay na may taas na humigit kumulang sa sampong talampkan./
Sinasabing naka handusay umano ito ay may tama sa ulo ng makita./ Samantala nasa isang funeral homes na dito sa lungsod ang nasabing bangkay at patuloy paring inaalam ng mga otoridad ang tunay na sanhi ng maaga nitong kamatayan./
Humihingi naman ng tulong ang mga kaanak nito sa kung sino man ang nakakita kung papaano ito namatay ay ipagbigay alam agad sa kanila o sa pulisya.//
visit : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
Subscribe to:
Posts (Atom)