WOW

Monday, June 1, 2015

BANGKAY NATAGPUANG NAKAHANDUSAY SA ILALIM NG TULAY SA BALOGO

Binulaga ng isang bangkay kaninang umaga ang mga residente ng barangay balogo dito sa syudad ng sorsogon./ Sa impormasyong nakalap ng wow patrollers, nakilala ang nasabing bangkay na si Norberto Eringgo nasa pagitan ng 40 hanggang 50 anyos at may asawa./ Sa inisyal na imbistigasyon ng mga otoridad natagpuan ang bangkay sa ilalim ng tulay na may taas na humigit kumulang sa sampong talampkan./ Sinasabing naka handusay umano ito ay may tama sa ulo ng makita./ Samantala nasa isang funeral homes na dito sa lungsod ang nasabing bangkay at patuloy paring inaalam ng mga otoridad ang tunay na sanhi ng maaga nitong kamatayan./ Humihingi naman ng tulong ang mga kaanak nito sa kung sino man ang nakakita kung papaano ito namatay ay ipagbigay alam agad sa kanila o sa pulisya.// visit : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

No comments:

Post a Comment