Monday, April 6, 2015
PANIBAGONG ATRAKSYON SA LUNGSOD, PINASINAYAAN KAHAPON
Pormal ng binuksan sa publiko ang panibagong atraksyon sa lungsod ng Sorsogon, ito ang buhatan river na siyang magsisilbong eco-tourism ng barangay./
Pinangunahan ni City Mayor Sally A. Lee ang pagbubukas ng bagong tourist destination sa syudad./ Naging pangunahing besita sa nasabing aktibidad ang mismong region V Regional Director ng Turismo na si Mam Nini Ravanilla./
Ayon kay Ravanilla, malaking tulong umano ito sa kabuhayan ng mga taga buhatan, lalo na mayroon itong pinaka iingatang natural na yaman ang alitaptap sightings kung saan halos apat na lugar lang sa buong pilipinas ang mayroon nito./
Labis namang ikinatuwa naman ng mga nakatira malapit sa ilog ang pagbubukas nito dahil malaking tulong sa kanilang hanap buhay ang mag turistang darayo sa lugar dahil sa mag produktong kanilang ibebenta sa mga bibisita doon./
Samantala sinabi naman ni City Councilor Atty Jjoven Laura na bukod sa buhatn river ay may ilan pang barangay sa syudad ang kanilang dinidevelop para sa turismo.//
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment