Monday, April 6, 2015
PANIBAGONG ATRAKSYON SA LUNGSOD, PINASINAYAAN KAHAPON
Pormal ng binuksan sa publiko ang panibagong atraksyon sa lungsod ng Sorsogon, ito ang buhatan river na siyang magsisilbong eco-tourism ng barangay./
Pinangunahan ni City Mayor Sally A. Lee ang pagbubukas ng bagong tourist destination sa syudad./ Naging pangunahing besita sa nasabing aktibidad ang mismong region V Regional Director ng Turismo na si Mam Nini Ravanilla./
Ayon kay Ravanilla, malaking tulong umano ito sa kabuhayan ng mga taga buhatan, lalo na mayroon itong pinaka iingatang natural na yaman ang alitaptap sightings kung saan halos apat na lugar lang sa buong pilipinas ang mayroon nito./
Labis namang ikinatuwa naman ng mga nakatira malapit sa ilog ang pagbubukas nito dahil malaking tulong sa kanilang hanap buhay ang mag turistang darayo sa lugar dahil sa mag produktong kanilang ibebenta sa mga bibisita doon./
Samantala sinabi naman ni City Councilor Atty Jjoven Laura na bukod sa buhatn river ay may ilan pang barangay sa syudad ang kanilang dinidevelop para sa turismo.//
LALAKING TULAK, BAGSAK NA SA MGA KAMAY NG OTORIDAD
Muling naka iskor ang mga otoridad kahapon, matapos na bumagsak sa kanilang mga kamay ang isang pinaniniwalaang adik at tulak ng droga sa Lungsod./
Sa isinagawang buy bust operation, rarekober ng mga otoridad ang isang empty cigarette malboro,P1000 mark money, 1lighter, 1 sun glass, wallet na may cash p3340 plus barya Drivers License ng suspetsado, isang tnt sim card, cp battery at 5 sachets ng mga pinag hihinalaang droga./
Sa nakalap na impormasyon ng wow news team dakong alas 3:45 kahapon ng isagawa ng opearsyon intelligence police sa barangay cabid-an, sorsogon city na nagresulta sa pagkakasakote sa suspek na si Francisco Sanchez Jr./
Sa ngayon ay hawak na ng mga otoridad ang suspek at habang sinusulat ang balitang ito ay nangangalap pa ng impormasyon ng wow news team para sa karagdagang impormasyon.//
SUSPEK NA TUMAGA SA SARILING KAPATID KALABOSO NA
Kalaboso na sa ngayon ang suspek na tumaga sa kanyang sariling kapatid dito sa lungsod ng Sorsogon./
Matatandaan na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid sa gitna ng isang inuman na nagresulta sa pananaga ni Oliver Avila Balanoyos 34yo na nakatira sa Brgy. Ticol West District Sorsogon City./
Kinilala naman ang biktima na kuya ng suspetsado na Salmiro Avila Balanoyos na mas kilala sa tawag na atid, 36 anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente rin ng nasabing lugar./
Dagdag pa sa impormasyon dahilan sa tindi ng pagtatalo agad na hinablot ng suspek ang kanyang itak at pinagtataga na lamang ang kanyang kuya atid./ Agad na dinala ang biktima sa Sts. Peter and Paul Hospital (PEPAU) ng kanyang mga kaanak para sa paunang lunas./
Samantala agad namang rumisponde ang Sorsogon CPS na nagresulat nga sa pagkakahuli sa suspek na dinala sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon.//
Sunday, April 5, 2015
ISANG ADIK, KALABOSO MATAPOS MAGTAGO SA ISANG EVACUATION CENTER SA BAYAN NG BULAN
Agad na nahulog sa mga kamay ng otoridad ang pinaghihinalaang tulak ng droga sa bayan ng Bulan./
Matatandaan na naaresto sa isang evacuation center sa Brgy. Obrero, ang isang suspek matapos makompiska sa kanya ang tatlong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu, Php500.00 marked money at ilan pang drug paraphernalia./
Sa nakalap na impormasyon ng wow news team dakong ala 01:18 ng umaga ng magsagawa ng buy-bust operation ang Bulan Municipal Police Station sa evacuation center sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si Jay-ar Gipit y Jimenez, 22 anyos, walang asawa, magkakarne kung saan residente rin Brgy. Obrero./
Samantala ang suspek at ang mga nakompiskang ebidensya ay dinala na sa RCLO5 upang isailalim sa laboratory exam.//
NPA PATAY, SUNDALO SUGATAN SA ENGKWENTRO SA MAGALLANES
Agad na namatay ang isang di pa nakikilalang miyembro ng mga pinaghihinalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) habang isang sundalo naman ng 31 Infantry Battalion ang nasugatan sa nangyaring engkwentro sa bayan ng Magallanes./
Matatandaan na mga dakong 5:30 ng umaga noong nakaraang Huwebes ng maganap ang nasabing insedente kung saan naganap ito sa Brgy Tagas, Magallanes, Sorsogon./
Ang sundalo ay kinilala ng 903rd Brigade na si Pfc Richard Tablate, miyembro ng 31st Infantry Battalion na agad itinakbo sa isang pribadong ospital matapos magatamo ng tama sa naturang engkwentro./
Ayon kay Col Cesar Idio komander ng 903 Brigade nakatanggap umano sila ng impormasyon na may mga presensiya ng armadong grupo sa nasabing lugar./ Agad bumuo ng grupo ang komander ng 31 IB na si Lieutenant Colonel Beerjenson Aquino sa pamumuno ni 2Lt Ano-os./
Nadatnan ng tropa ang tinatayang nasa 10 rebelde na kasapi ng grupo ng isang ‘Ka Neo’ na nagpapahinga at ang iba ay natutulog pa./ Sa kabilang dako umabot ng humigit kumulang sa 35 minutos ang naging palitan ng putok sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at tropa ng militar./
Matapos ito ay agad na nakipag-ugnayan si Ltc Aquino kay Police Director Bernard Banac ng Sorsogon Police Provincial Office para makipag-koordinasyon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pag-imbestiga sa naturang lugar at sa proseso ng labi ng rebeldeng nasawi./ Narekober sa lugar ng pinangyarihan ang 2 M16 rifle, mga subersibong dokumentos at 5 backpack na may lamang personal na kagamitan ng mga rebelled./
Samantala habang sinusulat ang balitang ito ay nangangalap pa ng impormasyon ang wow news team para sa karagdagang detalye ng hinggil sa nangyayaring insdente.//
Subscribe to:
Posts (Atom)