WOW

Monday, January 12, 2015

PBB NG MGA PUBLIC SCHOOL TEACHER SA SORSOGON NAKABITIN PARIN

Hangang sa ngayon ay nag aalburuto parin ang ilang mga guro dito sa lalawigan ng sorsogon dahilan sa hanggang sa ngayon ay nakabitin parin sa alanganin ang kanilang mga PBB o Performance Based Bonus./ 

Matatandaan na karamihang sa mga DEPT. of EDucation division sa mga karatig lugar sa lalawigan ay nakatanggap na ng kanilang PBB./ 

Kasama na nga dito ang pag kumpirma ng DepED Legazpi City Division sa pamamagitan ni Legaspi City Division Supt. Dr. Cesar Medina na simula pa noong lunes petsa 5 ng Enero natanggap na ng kanilang mga guro ang kanilang PBB sa pamamagitan ng kanilang ATM account./ 

Sa kabilang dako, hanggang sa ngayon, kasing tigas parin ng adobe ang paninindigan ni DEP ED Sorsogon Superintendent Ruby Abundabar tungkol sa isyu na ito./ 

Samantala, hindi lang ang PBB ang na de delay dito sa lalawigan kundi pati ang sweldo ng mga guro sa probinsya./ hanggang sa ngayon hindi parin nagbibigay ng pahayag si abundabar hinggil sa naturang isyu.//

No comments:

Post a Comment