WOW

Monday, January 12, 2015

DAY 6 NG BOSS REGISTRATION PATULOY NA DINUDUMOG, MGA NAGPAREHISTRO UMABOT NA SA 368

Umabot na sa 368 ang nakakuha na ng business permit sa on going na BOSS o Business One Stop Shop registration sa lungsod./ Ito ang pinaka huling ulat sa ikalimang araw na registration kahapon./ 

Sampong mga bagong negosyante naman ang nagpatala ng kanilang negosyo ang nairehistro kung saan pumalo na ito sa 36 dahilan sa as of Friday nasa bente sais (26) na ito./  

Sa kabilang dako, umabot naman sa 123 na ang mga kumuha ng ng mga bagong tricycle franchise permit na aprobado naman ng sanguniang panglungsod habang  nasa 81 pa ang naghihintay na maaprobahan SP Sanguniang Panglungsod./ 

Ayon naman kay Mr. Alfie Tayo, OIC ng business permit and licensing office nasa 332 na ang kabuuang bilang ng mga nagpa renew ng kanilang mga negosyo sa syudad./ inaasahan parin nila ang pagdagsa ng mga kukuha ng permit sa pagpapatuloy nito ngayong araw.// 

No comments:

Post a Comment