WOW

Sunday, January 25, 2015

MAYOR SALLY A. LEE, NAGBIGAY NG HAMON SA MGA SECURITY PERSONNEL NG SYUDAD

Nagbigay ng mensahe si city mayor sally sa mga security personnel ng syudad sa ginanap na orientation/ briefing on protective security system na ginanap sa city hall building./
Pinaalalahanan ng alkalde ang mga security personnel na dapat matuto silang rumesponde sa mga aksidente o ano pa mang sakuna ang maganap sa kinaroroonan nila./
Dagdag pa ng alkalde na dapat alam nila ang gagawin para sa magandang serbisyo lalo na ang pagrespeto at paggalang sa mga bisita ng syudad, at dapat din na tumulong sa paglilinis kung may nakikita silang dapat linisin para sa kaayusan ng kapaligiran ng cityhall./
Samantala, pinuri naman ng alkalde si mr.bitong daria sa magandang adhikain na maturuan ang civil security personnel ng tamang obligasyon sa trabaho./
Naroon ang mga naging panauhin at tagapagsalita na sina police superintendent aarni oliquiano, chief of police ng sorsogon city police station, fire chief inspector walter b. marcial ng syudad ng sorsogon at si victorino "bitong" daria iii, city traffic and security coordinator.//

No comments:

Post a Comment