Narekober na kahapon ang bangka ng isang mangingisda sa brgy. Bulabog na nawala noong pang nakaraang byernes ng madaling araw./ Matatandaan na mga dakong alas dos ng pumalaot si Nicolas Lasanas ,57 anyos at nakatira din sa naturang baranggay./
Dagdag pa sa impormasyon na inaasahan nila na babalik SI Mang Nicolas ng mga alas 4 ng madaling araw ngunit hindi ito dumating kung kaya’t nagtaka sila kung bakit wala pa ito hanggang sumapit ang dapit-hapon./ Kaugnay nito agad na sinuyod ng mga otoridad kasama ang kanilang mga kamag anak upang hanapin si mang Nicolas,/
Sabado na mga dakong alas kwatro ng hapon ng makita ang bangka nitong sinasakyan./ Nanawagan naman ang anak nitong si randy na na kung sino ang nakakita sa kanilang ama ay ipagbigay alam kaagad sa kanila./
Si Nicolas Lasanas ay may taas na 5’11 ang taas, balingkinitan, Moreno, at kulot ang buhok./ Samantala, kumikilos narin sa ngayon ang mga brgy. council ng brgy. bulabog sa pangunguna ng kapitan na si cesar lasala, ayon sa kapitan may dalawang angulo umano silang tinitignan sa pagkakawala ng ni mang Nicolas, maari umano itong pinulikat na nagresulta sa kanyang pagkahulog sa kanyang bangkang sinasakyan o kaya naman nahilo dahilan sa sobrang lamig ng panahon./
Sa impormasyon naman na pina abot ng kanyang anak na si randy, nasa Bangka umano ang mga damit ng biktima ng marekover nila ang nasabing Bangka./ ipina alam naman kaagad ito sa phil coast guard sorsogon kaya naman inaasahan nilang kikilos narin ang naturang ahensya para hanapin ang nawawalang mangingisda.//
No comments:
Post a Comment