WOW

Thursday, January 8, 2015

BUSINESS ONE STOP SHOP (BOSS) PORMAL NG PINASIMULAN

Pormal ng pinasimulan noong nakaraang lunes ang halos tatlong linggong Business One Stop Shop (BOSS)./ Pinangunahan ng  business permits and licensing office ng lungsod ang nasabing aktibidad na isingawa sorsogon city hall lobby./ 

kasama sa nakiisa sa BOSS ang ibat-ibang ahensya, city treasury, city zoning, city health, city environment, city engineering, philhealth, bureau of internal revenue (bir) at ang social security system (sss)./ 

Ayon kay kay Mr. Alfie Tayo mas pinadali at hindi na magulo ang kanilang sinusunod na sistema dahilan sa ang mga dokumento nalang ang umuusad para iproseso at hindi ang mga aplikante./ 

Dagdag pa ni Tayo matapos magfill-up ng  application form kasaman ang regulatory requirements isusumiti naman ito sa counter at mag aantay nalang sa kanilang mga upuan ang mga aplikante./ matapos ang nasabing proseso aabisuhan ang kleyente para sa assessment at payment sa city treasury para naman sa issuance ng mayor’s permit./ 

Samantala, kahapon sa day 4 ng BOSS Registration nakapagtala ng humigit kumulang sa 30 na mga bagong nagpa rehistro ng kanilang mga negosyo, sinabi naman ni City Legal Officer na si Atty. Jovert Laceda target nila ngayong taon ay nasa 2500 na mga aplikalnte.// 

1 comment: