WOW

Thursday, March 27, 2014

“Use your power to make change a reality” ito ang tema ng Earth Hour 2014

March 28, 2014 : SORSOGON - “Use your power to make change a reality” ito ang magiging tema ng pandaigdigang selebrasyon ng Earth Hour 2014 kung saan isa na nga sa makikiisa dito ay ang local na pamahalaan ng sorsogon./ 

Layunin nito ay ang makapag create awareness sa tao upang magkaroon ng responsibilidad sa pangangalaga ng ating kapaligiran./matatandaan na isa sa adbokasiya ng pamahalaan ni Sorsogon Gov. Raul lee ay ang pangangalaga ng kapaligiran./ kaugnay nito ikinasa na kanina ang pinaka pinal na miting na pinangunahan ni Miss Beth Fruto, PGHD, PENRO na dinaluhan naman ni Mayor Lee, NGA, NGO at mga private business Sector, media sector at ng PNP./ 

Sa paglibot libot ng mga wow patrollers, labis namang ikinatuwa ng mga mamayan ng sorsogon ang ganitong hakbangin ng local na pamahalaan./ Samantala, umaasa ang mga sorsoganon na hindi lang ang lungsod ng sorsogon ang makikiisa dito kundi ang lahat ng mga bayan na nasasakop ng lalawigan.//

Written by: Wow Patrol # 1   Bonn Laureta Habal

No comments:

Post a Comment