WOW

Thursday, March 27, 2014

EARTH HOUR 2014 SA LALAWIGAN NG SORSOGON KASADO NA

March 28, 2014 - SORSOGON - Preparado na ang local na pamahalaan ng lalawigan ng sorsogon upang makiisa sa global celebration ng earth hour 2014./ 

Matatandaan na unan isinagawa ito sa sydney, australia noong marso 31, 2007 at noon ngang taong 2008 una ng nakilahok ang sorsogon sa pandaigdigang pagdiriwang na ito./

Kaugnay nito nagpalabas na deriktiba si Gov. Raul R. Lee hinggil dito sa pakikipagtulungan ng Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO./ 

Pasisimulan ang nasabing aktibidad sa araw ng bukas sa ganap na ala sais ng gabi pamamagitan ng draw out sa park kasama ang rodrigueza band, film showing ng status of mother earth, / bibigyan din ng pagkakataon na makapagbigay ng mensahe ang mga stake holders./pagtuntong ng alas otso y medya ay sabay saby ng papatayin ang mga ilawan at iikot na ang grupo upang ipaalala at kalampagin ang mga stablishments na makiisa sa nasabing event./

Samantala, maraming individual narin ang nagpahayag ng pakikiisa sa nasabing pandaigdigang Gawain./ /

Written by: Wow Patrol # 1   Bonn Laureta Habal

No comments:

Post a Comment