WOW

Thursday, March 27, 2014

ISANG LALAKI PATAY MATAPOS SUWAGIN NG DALAWANG TURO SA MAGALLANES

March 28, 2014 : MAGALLANES - Patay ang isang lalaki matapos na pagsusuwagin ng dalawang turo sa may brgy. Siuton sa bayan ng magallanes./ 

Kinilala ang biktima na si Nestor Buenaflor, 63 anyos isang magsasaka sa nasabing barangay./ sa Inisyal na report sakay ang biktima ng kanyang kalabaw nang bigla na lamang itong maghuramentado matapos makasalubong ang isa pang turong kalabaw./

Hindi na nagawa pang mapigilan ni Buenaflor ang biglang pag-aaway ng dalawang hayop./ Hanggang sa nagdesisyon ang biktima na umawat na lamang ang mga ito bago pa may mangyari sa kanyang alaga, subalit laking gulat na lamang nito nang sa kanya mabaling ang galit ng dalawang turo./

Nagtamo ng maraming sugat at tusok ang biktima mula sa pagsuwag ng mga kalabaw, nabali rin ang mga buto nito dahilan sa naapak apakn pa ito ng mga kalabaw na nagresulta sa maaga nitong kamatayan./ Samantala Wala ng naggawa pa ang mga nakasaksi sa bilis ng mga pangyayari.//

Written by: Wow Patrol # 1  Bonn Laureta Habal

No comments:

Post a Comment