WOW

Sunday, March 9, 2014

Depektibong Aspalt Overlay Project dinidedma pa rin ng mga contractor.

March 10, 2014 : Hanggang sa ngayon hindi pa rin binibigyang pansin ng mga contractor ang  depektibong aspalt overlay project ng Dept. of Public Works and Highways o DPWH.

Matatandaan na ito ang mga problemang kinasangkutan ng WCS Construction, Inc kaugnay ng nasabing proyekto. 

Ayon sa DPWH peligroso at delikado ang mga ginawang overlay project ng kanilang contractor, na maaring maging dahilan ng mga aksidente sa lansangan. 

Nauna ng pinuna ng  Sorsogon City Council sa pangunguna ni City Vice Mayor Charo Dichoso at ng DPWH sa pangunguna naman  ni Engr. Ignacio Jamand  ang nasabing proyekto. 

Sinabi pa nila na hindi dapat na payagan ang contractor na mag umpisa ng bagong kotrata hanggat di naaayos ng WCS construction at ng 6RM Development Corp .ang nasabing problema. 

written by: Wow Patrol # 5 Angelie Borrero Bandoquillo

No comments:

Post a Comment