March 10, 2014: Duguan ang dalawang babae matapos
itong pagsasaksakin sa may bahagi ng brgy. Cumadcad sa bayan ng castilla noong
isang araw.
written by: Wow Patrol #1 Bonn Laureta Habal
Kinilala ang mga biktimang sina mary
joy alapad residente ng san Francisco guinobatan albay at si Vivian jhen
carrion na nakatira naman sa sogoy castilla sorsogon.
Sa impormasyon, kasalukuyan umanong
minamaneho ni carrion ang kanyang SYM
motor na my plakang 0053601 ng bigla na lamang silang hinabol ng suspek na
nakilala naman sa pangalang si
Vincent Barkilla nasa tamang edad na
nakatira naman sa brgy cumadcad, kung saan may hawak umano itong patalim na
armas na agad inundayan ng saksak ang mga biktima na nagresulta sa
pagkakabagsak ng dalawang babae.
Ayon naman sa police report ng
castilla municipal police station nagtamo si carrion ng tama ng saksak sa
kanyang likod samantaang si alapad naman ay nasaksak sa kanyang kanang bahagi
ng katawan.
Samantalam patuloy parin ang isinasagawang
imbistigasyon ng pulisya sa motibo ng nasabing krimen.
written by: Wow Patrol #1 Bonn Laureta Habal
No comments:
Post a Comment